Naitext na sa akin ni Jacob kung saan kami magkikita. Itim na below the knee dress ang suot ko. Wala naman akong ibang kulay na damit kundi itim lang. Huminto ang kotseng sinasakyan ko sa isang eskinita. Sumakay si Jacob sa kotse at naupo sa tabi ko.
" Black again? Para kang laging namamatayan." Pansin niya sa suot ko.
Inirapan ko lang siya. Madalas naman niyang punahin ang kulay ng damit ko at lipstick.
" May alam ka bang restaurant na pwede nating kainan ng walang nakakakilala sayo?" Tanong ko.
" Syempre naman." Nakangiti niyang sagot.
Sumimangot ako ng maisip na napakahirap niyang idate! Hindi kami makapasyal ng malaya, at mas lalong hindi ko maipag sigawan sa buong mundo na sa akin na siya.
" Hay! Ang hirap mong i date, alam mo ba yon?" Nakagat ko ang labi ko ng marealized ko na nasabi ko kung ano ang nasa isip ko.
Sa dulo ng mata ko ay nakita ko ang pag ngiti niya. Nag init ang mukha ko sa hiya kaya tumingin na lang ako sa may bintana ng kotse. Naramdaman ko ang marahang pagkabig niya sa mukha ko para iharap ako sa kanya.
" You're blushing, my love." Anya.
Tinampal ko ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko. Ang akward tuloy ng pakiramdam ko.
" Hey, dont be shy. Its normal." Anya.
" Nagkamali ka lang ng dinig." Sabi ko sa kanya.
Mahinang tawa niya ang narinig ko kaya tumingin ako sa kanya.
" What's funny?!" Singhal ko.
" Nothing. Masaya lang ako dahil nalaman ko na marunong ka din palang magselos." Anya.
" Im not jealous! Ang sabi ko lang mahirap kang i date, hindi ko maipagsigawan sa buong mundo na akin ka na, na asawa na kit-" natigilan ako ng marealized ko ang mga katagang lumabas sa bibig ko.
Mas lalong lumaki ang ngiti ni Jacob.
" Oh God!" Nasabi ko na lang saka ko tinakpan ang mukha ko.
Its so embarrassing! Narinig pa ng driver ko at isang bodyguard na kasama namin sa sasakyan ang mga sinabi ko. Ako na kilala nilang walang pakiramdam at bato ang puso magsasabi ng mga ganong salita?!
" You already did. Naipag sigawan mo ng sayo ako at asawa mo ako sa harap ng driver at ng bodyguard mo. See marunong din magmahal ang amo nyo." Sabi pa niya sa driver at bodyguard ko. Ngumiti naman ang mga ito.
" Shut up Jacob! Stop the car! Let's go back home!" Sigaw ko.
Nagpreno naman ang driver ko.
" No, dumiretso ka Roel." Utos naman ni Jacob.
Pero hindi kumilos si Roel. Hinihintay pa rin niya ang go signal ko.
" Roel i told you to keep going. Huwag mong sundin ang utos ng mam mo, ako ang masusunod ngayon." Matigas na sabi ni Jacob.
Umandar ang kotse.
" Roel!" Tawag ko sa driver ko.
" Maaksidente tayo sa ginagawa mo. Keep going Roel. Huwag mong pakinggan ang mam mo." Sabi ni Jacob.
At sinunod naman ng walanghiya kong driver si Jacob. I can't fire Roel dahil limang taon ko na itong driver at tanging siya lang ang nakatiis sa ugali ko. Hinayaan ko na lang kung saan nila ako dadalhin. Huminto kami sa isang bahay. Bumaba na si Jacob at umikot ito para pagbuksan ako ng pinto.
Pagbaba ko ay tiningala ko ang bahay. Two storey house ito at halos kasing laki ito ng mansiyon namin.
" Kaninong bahay ito? Akala ko ba mag dinner tayo?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...