CHAPTER 19

1K 32 0
                                    

Pinatawag ako ni Daddy sa Hotel namin sa Batangas. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ako mapalagay sa loob ng kotse habang papunta kami doon. Hindi ako basta basta papupuntahin ni Daddy sa mga Hotel namin na hindi nagsasabi ng dahilan. Kakaiba ngayon, basta ang sabi lang niya ay pumunta ako doon asap.


Mas lalo pa akong kinakabahan sa tuwing maaalala ko na si Jacob ang may hawak sa Hotel na yon. Tumingin ako kay Arlene na katabi ko sa kotse.

" Hindi ba nasabi ni Daddy kung bakit niya ako pinapapunta doon?"

" Hindi Miss Eunice. Basta ang sabi lang niya sa akin ay isama ka papunta doon."

I tried to contact Daddy pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nakarating kami ng Hotel at dire diretso ako sa opisina ni Jacob. Si Daddy ang nadatnan ko don.

" Dad."

Galit na inilapag ni Daddy sa lamesa ang mga folder.

" Do you know about this?!"

Tiningnan ko ang laman ng mga folders at nanlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasulat doon.

" Wala akong alam dito, dad."

" Mag iisang taon na tayong pinag nanakawan ng walang hiyang Jacob na yan! Tingnan mo ang mga bank account niya sa iba't ibang bangko!"

Halos mapatid ang litid sa leeg ni Dad sa pagsigaw. Binasa ko ang iba pang folders at nakita ko na hindi lang isa ang bank account ni Jacob kundi lima at napakalaki ng laman ng mga ito. Kahit sabihin pang artista siya ay hindi siya agad magkakaroon ng ganito kalaki sa loob lang ng 11 months!

" Dad baka naman may nag frame u-"


" Estupida! Pati ba utak mo nalason na ng pesteng yon?!" Sigaw ni Daddy.

Hinagis sa akin ni Dad ang isang envelope, sinangga ko ito sa kamay ko kaya nalaglag ito at nagkalat ang mga laman nitong litrato.

" Ginamit ka lang ni Jacob! Kuha yan ng isang detective na inutusan ko! Babae yan ni Jacob sa Cebu. Yan ang nobya niya na madalas niyang puntahan."

Pinulot ko ang mga litrato at tiningnan ito. Naninikip ang dibdib ko pero hindi ko magawang umiyak.

" Anong dahilan ni Jacob at gagawin niya ito sa iyo Dad? Ikaw ang nagtakda na ipakasal ako sa kanya!"


Ikiniyom ni Daddy ang mga kamay na nasa lamesa. " Dahil anak siya ni Jacobo."

" Sino si Jacobo?"

" Sya ang kaibigan ko at dating may ari ng Hotel na ito. Nabili ko ito sa kanya at ang isa pa niyang Hotel sa Cebu bago siya nasawi sa isang aksidenteng kinasangkutan niya at sa akin ibinubunton ang sisi."

Naalala ko ang mga nasabi ni Jacob ng idala niya ako sa bahay niya.

" Dad mahal ako ni Jacob at hindi niya magagawa sa akin na lokohin ako."

" Nagawa na niya Eunice! He doesnt love you! Ang babaeng nasa litratong hawak mo ang mahal niya at pinangakuang pakakasalan! Kung nalaman ko lang noon una pa na planado lahat pati ang paglapit niya sa akin hindi na sana kita ipinaubaya sa kanya!


Hindi ko pa rin matanggap na kaya akong lokohin ni Jacob.


" Then why the hell you pushed me to marry him?! Bakit ngayon pang mahal ko na siya dad?! Bakit?!"

Punong puno ako ng galit sa dibdib, galit para kay Jacob at para na rin kay Daddy.

" You can still love him but you can't keep him."

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon