Maliwanag na ng makarating ako sa lugar na sinabi ni Arlene. Tumingin ako sa gusali, kinilabutan ako sa itsura nito. Sa pagkakaalam ko haunted ang lugar na ito. Binuksan ko ang mini compartment sa loob ng kotse at kinuha ko doon ang baril. Matagal na akong walang praktis pero alam kong kaya ko paring gamitin ito.
Bumaba ako sa kotse at naglakad papunta sa harapan ng building. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob.
"Arlene nandito na ako! Alam kong nakikita mo ako kaya lumabas ka ng demonyo ka!"
Nakarinig ako ng yabag. Itinutok ko ang baril at tumingin sa paligid. Lumabas si Arlene at kagaya ko ay nakatutok din ang baril niya.
"Sa wakas nagkita tayong muli Miss Eunice. Akala mo napatay mo na ako? Well iniligtas pa rin ako ni Satanas. Hindi pa daw kasi ako welcome sa impyerno. Gusto ka din kasi niyang ipasundo sa akin para sama sama tayo ng daddy mo doon. Nauna na ang daddy mo kaya dapat sumunod na din tayo."
"Gaga! Ikaw lang ang mapupunta sa impyerno!"
Humalakhak si Arlene na parang demonyo. "Bakit?! Sa tingin mo ba mapupunta ka sa langit?! Hindi ka tatanggapin doon sa dami ng mga kasalanan mo!"
"Madami man akong taong nasaktan pero kahit kailan ay hindi ako pumatay! Pero ikaw? Sarili mong kapatid nagawa mong patayin! Tao ka pa ba?! Oh! I forget, hindi ka pala tao! Demonyo ka!"
"Parehas lang tayo! Huwag kang mag feeling anghel dahil alam nating hindi! Baguhin mo man ang anyo demonyo ka pa ring gaya ko!"
"Demonyo na kung demonyo, pero sa akin may nagmamahal at nagpapahalaga?! E sayo meron ba?! Pinatay mo pa nga ang kaisa isang taong nagmamahal sayo! Anong klase kang kapatid?!"
"Tumigil kaa! Kung noon nakatakas ka, sisiguraduhin kong ngayon hindi na!"
"Handa akong mamatay Arlene, pero sisiguraduhin kong isasama kita sa kabilang buhay!"
Nang maramdaman kong pipindutin na niya ang gatilyo ng baril inunahan ko siya at natamaan siya sa balikat kaya hindi niya naituloy ang pagpapaputok. Tumakbo siya palayo.
"Dont run Arlene! Akala ko ba papatayin mo ako!"
Sinundan ko siya pero nakapagtago na ang gaga. Hinanap ko siya, nakita ko siyang umakyat sa hagdan muli ko siyang pinaputukan pero hindi siya natamaan. Tumakbo ako at sinundan siya sa itaas. Pero nakaabang na pala siya sa akin. Binaril niya ako at tinamaan din ako sa kanang balikat. Mabilis akong nagtago.
"Ouch!"
Sumandal ako sa pader at mariing napapikit dahil sa sakit.
"Hindi ako papayag na mabuhay ka Eunice! Papatayin kita!"
"Huwag kang mag alala, isasama kita!"
Inabangan ko siya at ng makita ko ang kamay niyang may hawak na baril sinipa ko iyon kaya tumalsik ang hawak niyang baril. Tinutukan ko siya ng baril kaya umurong siya. Sa tuwing lalapitan ko siya ay umuurong siya.
"Talo ka na, wala ka ng baril kaya sumuko ka na!"
"Mas pipiliin ko pang mamatay kesa sa makulong ako! Pero isasama kita sa kamatayan ko!"
Sinabuyan niya ako ng buhangin kaya napapikit ako. Isang sipa sa tiyan ko ang nakapag patumba sa akin kaya naihagis ko ang hawak kong baril. Muli niya akong sinugod at may hawak na siyang balisong.
"Papatayin kita!"
Mabilis niya akong sinakyan at inundayan ng saksak pero napigilan ko ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...