Tiningnan namin ni Erin ang mga itsura namin kung okey ba..pareho kaming nakasuot ng maong na pantalon at rubbershoes na puti..nagkaiba lang mga suot namin pang itaas. Spaghetti strap na kulay ginto ang suot ko at puting baby tee naman ang kay Erin.
Bumaba na kami at nagpunta sa restaurant ng Hotel.
"Excuse me Miss. Kami yung inutusan ni Erriel De Leon para kunin ung menu list na iche check nila ng future husband niya."
"Ay oo mam, hinihintay na po kayo sa loob." Sabi ng babae.
"I will just wait you here, ate." Sabi ni Erriel at naupo na sa upuan doon.
Sumama naman ako sa babae at nagpunta kami sa private office. Isang matandang lalake ang nandoon at kilalang kilala ko ito. Isa siya sa manager ng isang hotel namin. Bakit nandito siya?
"Mr. Buencamino?"
Nag angat siya ng tingin at nagulat din siya ng makita ako.
"Miss Montefalco?"
Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya na halatang ikinagulat niya ulit.
"Nice seeing you again. Its been seven years." Sabi ko saka ko iniabot ang kamay ko.
Tumayo siya at tinanggap ang pakikipag kamay ko sa kanya.
"Nabalitaan ko noon ang pagtanggal ng mana sa inyong magkapatid. Bakit hindi mo ipinaglaban ang karapatan nyo ng kapatid mo?" Tanong niya.
Binitawan niya na ang kamay ko. Isang malungkot na ngiti ang iginanti ko sa tanong niya.
"I dont need my father's money and power, Mr. Buencamino. Hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon ko. Matagal ko ng ibinaon sa limot ang dating Eunice na nakilala nyo."
"Kitang kita ko nga ngayon sayo na masaya ka sa buhay na pinili mo. Ang huling balita ko sayo sumama ka sa mommy mo?"
"Yes. Nag migrate kami sa Canada. Umuwi lang po kami dito para sa kasal ng pinsan kong si Erriel."
"Pinsan mo pala si Erriel."
Inilapag ni Mr. Buencamino ang isang folder sa harap ko.
"Heto ang pinapakuha ng pinsan mo. Ikaw kailan ka mag aasawa?"
Natawa ako sa tanong ni Mr. Buencamino. "Naku wala pa po akong balak. Saka na yon."
Mahinang tumawa si Mr. Buencamino. "Natutuwa akong makita kang nakangiti. Ibang iba ka na nga ngayon. Mas bagay mo kung makulay ang mga suot mo at hindi puro itim."
Tumango ako. Naalala ko siyang tanungin kung bakit wala na siya sa hotel namin.
"Bakit nandito na kayo? Anong nangyari sa hotel ni Dad na hinahawakan mo?"
Lumungkot ang mukha niya.
"Tinanggal ako ni Selena. Madami siyang tinanggal na nagtratrabaho sa mga hotel nyo. Sa loob ng pitong taon ay patuloy ang pagbagsak ng mga hotel nyo. Naibenta na rin ang iba. Pero may isang anonymous na bumibili sa lahat ng shares sa hotel niyo."
Nagulat ako sa ibinalita ni Mr. Buencamino. Nakakapanlumo na ang lahat ng pinaghirapan ni Daddy napunta lang sa wala.
"Maybe its time to break the Montefalco dynasty. Nakakapanlumo pero wala na tayong magagawa."
Muli kong tiningnan si Mr. Buencamino bago ako tumayo. "I have to go Mr. Buencamino, hinihintay na ni mommy ang mga pinamili namin ng kapatid ko."
"Sige iha."
Lumabas na ako ng pinto. Maglalakad na ako ng hindi ko napansin ang isang lalaki kaya nabunggo ko siya. Nalaglag tuloy ang hawak kong folder. Siya na ang pumulot non at iniabot sa akin. Nagulat ako ng mapagsino ang lalake. Kahit siya ay nagulat din.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...