Isang yugyog ang gumising sa akin kinabukasan. Si Daddy yon." What the hell are you doing Eunice?! Anong oras na! Malalate ka sa kasal mo!" Sigaw niya sa akin.
Bumangon ako at nalilitong tumingin sa ama ko.
" Wedding?" Tanong ko.
Saka ko palang naalala na ngayon nga ang araw ng kasal ko sa lalaking yon.
" Hurry up! Take a bath now!" Sigaw sa akin ni Daddy.
Nagmamadali naman akong bumangon sa kama dahil sa sigaw ni Daddy. Paglabas ko ng bathroom after kong maligo, may mga tao ng naghihintay sa akin sa loob ng kuwarto ko.
" Who are you?" Malamig kong tanong sa kanila.
" Just sit down so they can do your hair and make up!" Bulyaw ni Daddy na nandon pa pala.
Wala akong nagawa kundi ang umupo at hayaan ang mga taong ito na lagyan ako ng make up at ayusin ang buhok ko.
" I want a black lipstick." Sabi ko na siyang ikinatigil ng babaeng nag aayos sa akin.
" Bullshit Eunice! Saan ka nakakita ng ikakasal na itim ang kulay ng lipstick?! Let them choose the perfect shades for you!" Singit ulit ni daddy.
Hindi na ako kumibo. Light make up lang ang nilagay ng babae sa akin, itinaas nila ang buhok ko na may iilang hibla na hinayaan na nakalaylay sa harapan. Ipinasuot nila sa akin ang isang puting knee lenght dress long sleeve.
Hindi ko nakilala ang sarili ko nong tumingin ako sa salamin. Hinila na ako palabas ng kuwarto ni Daddy. Nadatnan namin ang bruha kong step mother sa baba." Oh! You look like an angel outside but devil inside." Anya.
Inirapan ko lang siya. Hinila na ako palabas ng bahay ni Daddy saka na kami sumakay sa kotse.
Pagpasok namin sa opisina ng huwes na magkakasal sa amin ay naabutan na naman sila Jacob doon kasama ang manager nito at isang medyo may edad ng babae na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad kay daddy.
" We can start now the wedding." Sabi ni daddy saka iniabot ang kamay ko kay Jacob.
Nagkatinginan kami ni Jacob ng abutin niya ang kamay ko kay daddy. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa kamay ko kaya mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya.
" We can start now." Narinig kong sabi ng judge.
Nag umpisa na ngang magsalita ang huwes. Nakaramdam ako ng matinding lungkot ng marealized ko na para lang akong laruan na pinamigay ni Daddy. Now I know kung bakit sya iniwan ni Mommy. Speaking of my mommy, bakit hindi niya ako binalikan? Bakit hinayaan niyang magdusa ako sa piling ni Daddy? Kung binalikan niya lang sana ako, hindi siguro ganito ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...