Seven years after....
Mabilis na lumipas ang pitong taon. Ginawa akong Assistant Manager ng Daddy ni Lance sa hotel nila. Si Erin naman ay Manager na sa isang sikat na restaurant dito sa Canada. Si Tita Anabelle ay anim na taon ng kasal kay Tito Philip at may dalawa na silang anak. Lumipat na din sila ng bahay dahil masyado na kaming madami.
Si Erriel naman ay engaged na sa boyfriend niya na Canadian at nakatakda ng magpakasal ngayong susunod na buwan sa Pilipinas. Naging maayos ang buhay namin dito sa Canada. Masasabi kong malayong malayo ang buhay ko noon kesa ngayon.
"Nagbe bake ako guys ng pandesal. First time ko ito at hindi ako sure kung maganda ba ang magiging resulta." Narinig kong sabi ni Erin.
Tumingin ako sa kanya. She's vlogging. Umabot na nga ng mahigit isang milyon ang mga subscriber niya sa channel niya sa loob lang ng anim na buwan. Mostly about sa everyday life niya ang mga vlog niya. Never pa akong lumabas sa mga vlog niya dahil lagi akong busy this past six months, ngayon lang ulit naging normal ang schedule ko.
Nanligaw sa akin si Lance pero tinapat ko na siyang hanggang friends lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Okey naman sa kanya pero maghihintay daw siya hanggang matutunan ko din siyang mahalin.
"Guys heto na yung pandesal. Pero bakit matigas siya?"
Lumapit ako sa may fridge at kumuha ng tubig. Nakita ako ni Erin.
"Ay guys! Nandito pala ang ate ko."
Kinuha niya ang tripod kung saan nakalagay ang camera niya saka lumapit sa akin.
"Meet my Ate Eunice. Kaway ka naman ate."
Kumaway naman ako sa cam at ngumiti. "Hi guys."
"Ay bakit ang ganda mo sa cam ate kahit bagong gising ka?"
Bahagya kong hinila ang buhok ni Erin. "Bolera."
"Aray! Naku guys pasensiya na kayo, ganito talaga kami ni ate. Ay ate tikman mo nga tong ginawa kong pandesal."
Ibinaba ni Erin ang cam at inayos para kita kaming dalawa. Kumuha ako ng ginawa ni Erin na pandesal. Matigas ito.
"Ano to?toasted pandesal?"
Kumagat ako pero matigas ang tinapay. Natawa ako bago ko ibinaba ang pandesal sa plato.
"What ate?"
"Erin i cant bite it, ang tigas sobra!" Sabi ko.
Kumuha si Erin at kinagat. Nahirapan din siyang kagatin ito. "My god! Bato ba tong ginawa ko?!"
"Hi girls, anong pinagkaka abalahan nyo diyan?"
Si Lance ang dumating. Humalik siya kay Erin tapos sa akin.
"Lance try this pandesal. Erin baked it." Sabi ko kay Lance saka ko itinaas ang pandesal.
Kumagat siya sa pandesal pero hindi niya makagat kaya binitawan ko yon.
"Is this pandesal or stone?!"
Humagalpak ako ng tawa. Ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa.
"Oh god failed talaga ang pandesal ko guys. Ate stop laughing!"
"I couldnt!" Sabi ko na patuloy pa rin sa pagtawa.
"Pasensiya na kayo sa ate ko guys, ganyan talaga yan kapag tumawa. By the ways meet kuya Lance. My ate's soon to be boyfriend."
Kumaway naman si Lance sa cam.
"Kuya patigilin mo nga yan!" Sabi ni Erin dahil hindi pa rin ako matigil sa kakatawa.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...