Hindi alam ni Jacob na umuwi ako ng Pilipinas. Wala ding alam si Erin na nandito ako. Kinausap ko si mommy na walang ibang pagsasabihan na nasa Pilipinas ako dahil baka matunugan ni Arlene. Hindi din ako umuwi sa mansion. Tumuloy ako sa isang resthouse namin sa Iba, Zambales. Wala ni isa ang nakakaalam don maliban sa amin ni Daddy.
Nakausap ko si Mrs. Ignacio at pinadalhan niya ako ng bodyguards. Nagulat pa nga ako ng malaman kong dalawang dosenang bodyguard ang ipinadala niya kaya tinawagan ko pa siya.
"Mrs. Ignacio bakit sobrang dami namang bodyguard ang ipinadala mo?"
"Tuso si Arlene, mas maganda ng ligtas ka. Kung tutuusin kulang pa nga yan e. Nakaalarma din ang mga kapulisan diyan, oras oras may magroronda."
"Hindi ako magtatagal dito sa Pilipinas kaya gusto kong matapos na kaagad ito Mrs. Ignacio. Kailangang mahuli kaagad si Arlene."
"Pinaghahanap na siya ngayon ng mga pulis pero matinik siya. Wala pang lead kung saan siya nagtatago. Huwag kang mag alala, hindi tumitigil ang mga pulis at detective sa paghahanap sa kanya."
"Sana nga mahuli na siya. Sige na Mrs. Ignacio, maraming salamat sa tulong mo."
"Wala yon. Mag iingat ka diyan."
Pinutol ko na ang tawag. Ini off ko din ang location ng cellphone ko para hindi ako matrace ng kung sino mang tatawag sa akin. Muli kong tiningnan ang mga litrato ni Arlene na ipinadala sa akin ni Mrs. Ignacio. Sunog ang kalahati ng mukha nito.
"You taste the dose of your own medicine, Arlene. Akalain mong ikaw ang masasabugan sa bombang inilagay mo sa akin."
Araw araw nag fo-follow up sa akin si Mrs. Ignacio. Isang linggo na ako dito sa Pilipinas pero wala pa ring balita kay Arlene. Kailangang kumilos ako. Tumunog ang telepono ko, tumatawag si Mrs. Ignacio.
"Hello."
"Nakita daw si Arlene na nagmamatyag sa Mansion nyo. Nalaman na siguro niyang nandito ka sa Pilipinas."
"Kailangan na siyang mahuli Mrs. Ignacio. My childrens need me. Isang linggo na ako dito."
"Mahihirapan tayong mahuli siya, Eunice."
"I know, kaya nga may plano ako."
"Anong plano mo?"
"Ako ang kailangan niya kaya magpapakita ako sa kanya."
"My God Eunice, youre putting your life in danger!"
"Kailangan kong gawin yon. Hindi naman mahuhuli yon kung hindi niya ako makikita. Alam ko namang hindi ninyo ako pababayaan."
"Pero paano kun-"
"My decission is final. Bukas ko isasagawa ang plano. Kailangan kong matapos ito para tuluyan na kaming sumaya at mabuhay ng matiwasay."
"Ikaw ang bahala."
Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari pero kailangan kong gawin ito para sa ikatatahimik ng buhay namin. Halos mapalundag ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto sa sala. Madilim na mukha ni Jacob ang sumalubong sa akin.
"Jacob?"
"Are you out of your mind?! Di ba sinabihan na kita na ako na ang tatapos ng problemang ito?!"
"Ako ang kailangan ni Arlene at hindi ikaw! Tsaka paano mong nalaman ang resthouse na to?!"
"Kaya kitang hanapin kahit saang sulok ka man ng mundo magpunta! Oh God! Im really worried about you!"
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...