CHAPTER 18

1K 35 0
                                    

Nakasimangot ako pagdating ko ng bahay. Umupo ako sa sofa at tinanggal ko ang suot kong stilletos at hinagis.

" Yaya pahingi akong slipper!" Tawag ko kay Yaya.

" Anong nangyari sayo ate?" Tanong ni Erin na nadatnan kong nakaupo sa sofa.

" Yung mommy ni Jacob napaka plastic!" Sabi ko.

Inabutan naman ako ng tsinelas pambahay ni Yaya.

" Hindi ka bet?" Tanong ni Erin.

Napakunot na naman ako sa sinabing salita ni Erin.

" Anong bet?" Tanong ko.

" Bet, gusto. Hindi ka gusto sabi ko." Paliwanag naman ni Erin.

" Wala akong pakialam sa matandang yon!" Sabi ko saka na ako tumayo at umakyat na papunta sa kuwarto ko.

Habang naliligo ako ay nanggigigil ako sa tuwing maalala ko ang kaplastikang ipinakita sa akin ng mommy ni Jacob.

" Damned that old lady! Someday you'll gonna pay for this." Sabi ko.

Pagkabihis ko ay narinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya nagmadali akong lumabas ng Walk in closets. Si Arlene ang tumatawag.

" Yes Arlene." Sagot ko sa tawag niya.

" Miss Eunice magkasama ba kayo ni Sir Jacob kanina?" Tanong nito.

" Oo, bakit?" Tanong ko.

" May kuha ng litratong nagkalat sa social media ngayon. May kaholding hands na babae si Sir Jacob papasok sa bahay niya. At ikaw yon Miss Eunice. Blurred ang pagkakakuha sa litrato, mabuti na lang at hindi malinaw ang kuha sayo." Balita ni Arlene.

Napabuga naman ako ng hangin sa inis.

" Gawan mo ng paraan para mawala ang stolen shots na yan sa social media!" Utos ko kay Arlene.

" Yes mam." Sagot ni Arlene.

Inis kong ibinaba ang cellphone ko. Mariin akong pumikit sa sobrang inis ko. For sure malalagot ako kay Daddy nito. Nagulat ako ng bumukas ang pinto. Si Daddy!

" Ano yang kumakalat sa Social media?! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na huwag kang lalabas kasama si Jacob!" Sabi ni Dad.

" Dad, doon lang naman sa bahay niya kami nagpunta." Sagot ko.

Pumasok si Jacob sa kuwarto.

" Isa ka pang hudas ka!" Sigaw ni dad kay Jacob.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Daddy ng akmang sasampalin niya si Jacob.

" Dad stop it!" Sabi ko.

Pero malakas si Dad at tinabig lang ang kamay ko. Kinuwelyuhan niya si Jacob.

" Ipinasok kita sa pamilyang ito dahil anak ka ni Jacobo Zalameda! Sinabihan na kitang huwag mong idadawit ang anak ko sa mga issue mo sa showbiz!" Sigaw ni Dad kay Jacob.

" Dad ginagawan ko na ng paraan." Sagot naman ni Jacob.

Binitawan ni Dad si Jacob, napasandal ito sa may pinto saka na out of balance kaya napaupo.

" Siguraduhin mo lang na hindi mapepeste ang buhay namin sa kapabayaan mo!" Sabi ni Dad saka na umalis.

Mabilis kong nilapitan si Jacob saka tinulungang tumayo. Iniupo ko sya sa kama saka ko mabilis na isinara ang pinto.

" Im sorry." Anya.

Nakatingin siya sa akin. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Matinding galit!

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon