Chapter 5

1.2K 34 0
                                    


Nang pumasok ako sa School ay iniwasan ko si Erriel. Sa twing tangkain nyang lumapit siya sa akin ay umiiwas ako sa kanya. Isang linggo kaming ganon. Kaya kong tiisin na huwag syang kausapin sa kabila ng mga pinagsamahan namin. Nang sumunod na linggo ay tatlong magkasunod na araw na siyang hindi pumapasok. Nung una ay balewala lang sa akin pero kalauna'y nag alala ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Kaya nagdesisyon akong puntahan sya sa inuupahan niyang apartment. Nakailang katok na ang isa sa mga bodyguard ko pero walang nagbubukas ng pinto.

" Wala pong tao diyan." Sabi ng isang babae.

" Nasaan po si Miss Erriel?" Tanong ng bodyguard ko.

" Ay nasa hospital ho." Sagot ng babae.

Napatingin ako sa babae. Na tumingin din sa akin pero kalaunay nagbawi din ng tingin at ibinaling ang mga mata sa bodyguard ko.

" Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng bodyguard ko.

" Hindi ko po alam e. Basta nalaman na lang naming nasa ospital." Sabi ng babae.

" Lets go." Tawag ko na sa bodyguard ko.

Mabilis naman siyang sumakay ng kotse. Inutusan ko silang magtungo sa isang ospital malapit dito. Nagtanong ako sa nurse station at kinumpirma nilang naka confine nga don si Erriel. Typhoid fever ang sakit niya.

Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto niya. Napahigpit ang hawak ko sa basket ng mga prutas na pinabili ko kay Roel kanina ng makita ko kung sino ang babaeng nagbabantay kay Erriel. Sabay silang napatingin sa akin.

" Eunice... " Sambit ni Erriel sa pangalan ko.

Tumingin ako kay Erriel. Halata sa mukha niyang hindi pa rin mabuti ang pakiramdam niya. Ibinaba ko sa side table ang basket ng prutas. Alam kong nakatingin sa akin si Mommy pero hindi ko sya tinapunan ng tingin.

" How do you feel?" Tanong ko kay Erriel.

" Medyo okey na ako. Kung hindi pa pala ako magkakasakit hindi mo pa ako papansinin." Sabi ni Erriel.

" You know me Erriel." Sabi ko.

" Wala akong alam na si Mama Amira ang mommy mo. Hindi naman kasi nila ginagamit ni Erin ang apelyido na Montefalco." Paliwanag ni Erriel.

" Magmula ng umalis kami sa poder ng Daddy mo hindi ko na ginamit ang apelyido niya. Ganon din kay Erin." Singit ni Mommy.

Hindi ko sinulyapan si mommy. Mas lalo akong nag ngitngit sa galit sa sinabi niya. Nagsalita ako na hindi tumitingin sa kanya.

" Well, that's your plan para hindi ka matunton ni Daddy at ganon na rin sa akin. Gumana ang plano mo kay Daddy, pero sa akin hindi. Sa isang pagkakamali mo na magpakita sa isang interview sa lugar nyo nakita kita. At kamag anak mo pa pala ang kaisa isang kaibigan na nagtiyaga sa ugali ko." Sabi ko.

" Anak, hinanap kita pero itinago ka nila sa akin." Sabi ni mommy.

" I came here for Erriel so can you please shut up!" Singhal ko kay mommy.

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Erriel na humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

" Please Eunice. Kung hindi mo sya kayang galangin bilang ina mo, respetohin mo na lang sya bilang tita ko." Sabi ni Erriel.

" I can't do that. I cant respect a person who abandoned her own daughter para lang makawala siya sa kamay na bakal ng asawa niya. Lumaki akong kulang sa pagmamahal. Sobra sobra man ang mga materyal na bagay na binibigay sa akin ni Daddy kulang naman ako sa aruga at pagmamahal ng isang ina. Im just 18 pero nakapasan na sa balikat ko ang responsibilidad sa mga negosyo ni daddy, alam mo ba yon ha? Sa edad kong ito dapat nag eenjoy ako e. Pero hindi. At sa mura kong edad itinali na ako ni daddy sa isang kasal. Sa lalaking noon ko lang nakilala." Sabi ko.

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon