Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni Erin para pumunta ng bangko at iwithdraw ang mga pera namin. Pero masamang balita ang sinabi sa amin ng babae na nag asikaso sa amin doon. Kilala kami sa bangko ito dahil isa ang bangkong ito kung saan nakabangko ang mga pera namin at kung saan inilalagay ni Daddy ang mga mahahalagang papeles niya."Miss Eunice im so sorry pero naka freeze ang bank account ninyong magkapatid."
"What?! Are you sure?!"
Tumango ito. "Isang araw bago mamatay ang daddy nyo sa aksidente pinahold niya ang mga bank account ninyong magkapatid."
Mariin kong isiniklop ang mga kamao ko. How dare you dad! Wala ka talagang gustong itira kahit singko sa aming dalawa ni Erin!
Nagpupuyos ako sa galit! Lumabas ako ng bangko na hindi alam kung ano ang gagawin. Hinabol ako ni Eunice.
"Ate anong gagawin natin?"
"Hindi ko alam, Erin! Hindi ko alam!"
Napalakas ang boses ko kaya nakuha ko ang pansin ng ibang tao na dumadaan don.
"Umuwi na tayo."
Pumara ako ng taxi, at sumakay na kami ni Erin. Nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang galit na nararamdaman ko. Walang itinira sa amin si Daddy. Lahat ibinigay niya kay Tita Selena.
Pagdating namin sa bahay na tinutuluyan namin nila mommy ay ibinalibag ko ang bag ko sa upuang yari sa kawayan. Gulat na napatingin sa akin sina Mommy at Yaya. Umupo ako at marahas na simabunutan ang sarili ko na may kasamang tunog ng panggigigil kapagkuway sumigaw ako.
"Anong nangyari?" Si mommy.
Wala ako sa mood para sagutin ang tanong ni mommy. Baka mag away lang kami.
"Naka freeze ang mga bank account namin. Pinahold daw ni daddy isang araw bago siya mamatay." Sagot ni Erin.
"Napakatuso ng ama nyo noh? Ayaw kayong bigyan kahit gabutil na kayamanan niya." Singit ni Erriel.
Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Napatingin ako dito ng maramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko. Si Mommy.
"Hindi nyo kailangan ng pera ng ama nyo. Kung ayaw niya kayong pamanahan kahit gatiting man lang, hayaan nyo."
Umiwas ako ng hawiin niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumakip sa mukha ko.
"Sa talino at sipag mong yan, alam ko na malayo ang mararating mo."
Nag iwas ako ng tingin kay mommy tsaka ako tumayo. Ramdam ko ang simpatya niya at awa niya sa akin pero hindi ko kayang tanggapin ng ganon ganon na lang. Hindi ko maiwasang isipin na kung sana hindi siya umalis, kung hindi sana niya kami iniwan ni Daddy, sana hindi magkakaganito ang buhay namin.
"Kung ang iniisip mo na sana ay hindi ako umalis non, sa palagay mo ba masaya din tayo ngayon?" Sabi ni mommy.
Masaya nga ba sana kami ngayon kung ganon nga ang nangyari? Naalala ko ang mga panahon na kasama ko si Daddy. Yes, i had him, pero hindi ko naramdaman na nagpaka ama siya sa akin. Birthdays, christmas, at lahat ng mahahalagang araw sa buhay ko, lagi siyang wala. Si Yaya ang nandoon.
"Pero kung nandoon ka sana, kung nandoon kayo ni Erin, Hindi ko sana naramdaman na mag isa lang ako."
Pagkasabi ko noon ay pumasok na ako sa kuwarto at doon nagkulong.
Isang linggo na kaming nag aapply ng trabaho ni Erriel pero wala ni isa mang tumanggap sa amin. Naglakas loob akong nag apply sa Ninong ko pero ibinalik niya ang resume ko.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...