CHAPTER 29

1.1K 26 0
                                    


Nakarating kami sa pupuntahan. Madami ngang tao doon at sobrang liwanag dahil sa mga pailaw. May artista din daw na dumating kaya madaming tao. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa mismong harap ng stage. Basta may mga bodyguards na lang na umalalay sa amin papunta doon.

"Wow, Jacob! Lakas ng kapit mo sa organizer dito ah!" Narinig kong sabi ni Lance kay Jacob.

Tumingin ako kay Jacob na nakatingin sa entablado. Nanatiling seryoso ang mukha nito hanggang sa umawit ang artistang sinasabi nila. Inawit niya ang isa sa mga paborito kong kanta, ang She's gone by steelheart kaya masaya ko itong sinasabayan. Pumapalakpak din ako at sumisigaw.

"He's voice was nice. I love it!" Sabi ko kay Lance.

Halos magsigawan kami dahil malakas ang sounds na nanggagaling sa speaker. Palakpakan kami ng matapos itong kumanta. Nagsalita ang singer.

"Pasensiya na at Hindi nakarating ang isa sa mga female singer na kinuha nila. So para makarinig naman kayo ng boses ng babae, kukuha ako ng isa sa inyo dito para kantahin ang kanta ni Evanesence na Bring me to life.. tama ba?" Tanong ng singer sa kasama.

Tumango ang kasama nito. "Oo tama. Bring me to life.. may nakakaalam ba ng buong lyrics nito sa inyo?"

Nagbulungan ang mga tao at wala ni isa man ang nagtaas ng kamay. Alam ko ang buong lyrics ng kanta pero wala akong lakas ng loob para kumanta sa itaas ng entablado at sa harap pa ng maraming tao. Siniko ako ni Lance..

"Paborito mong kinakanta yon diba? Memorize mo pa nga buong lyrics non!"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Lance. "Shut the hell up!"

"Si Ate!" Sigaw ni Erin sabay turo sa akin.

Hinila ko si Erin at pinapatigil, pero huli na at napansin na kami ng MC na nasa itaas kaya sinbi niya ito sa singer. Tumingin ang lalake sa akin.

"You know the song?"

Mabilis akong umiling pero kinontra ako ni Erin.

"Yes she knows it! Actually may video pa nga ako na kinakanta niya yon!"

Kinurot ko si Erin. Pero pati mga tao ay nagsisigawan na at pinipilit na akong pumunta sa entablado.

"Miss punta ka na. Swerte mo at makakasama mo sa entablado yang si Blake Madrid!"

"Go ate girl!"

Tumingin ako kay Jacob pero nag iwas siya ng tingin sa akin. Sa nanginginig kong paa ay umakyat ako sa entablado, inabot sa akin ni Blake ang kamay niya para alalayan ako paakyat ng hagdan. Hiyawan ang mga tao ng tinanggap ko ang kamay nito.

"Ay bongga! Ang ganda din pala niya!"

"Artistahin din pala e!"

"Bagay na bagay po kayo!"

Ilan lang yon sa mga narinig kong sigawan ng mga tao.

"Hi, whats your name?"

"Eunice." Sagot ko.

"Taga saan si Miss Eunice?"

"Im from Toronto, Canada at kasalukuyan kaming nagbabakasyon ng family ko ngayon dito sa Santiago, Isabela. May bahay kami dito."

"Fresh from Canada pa pala ang ating guest singer ngayon. Anong tanong ng mga binatang gaya ko sa isang dalagang tuladni Eunice?" Tanong ni Blake sa mga tao.

"May boyfriend ka na ba?!" Sabay sabay nilang tanong.

Tumingin ako kay Jacob. Madilim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nakita ko siyang tumango. Sinasabi niyang sabihin ko na may boyfriend ako. Tumingin ako kay Blake.

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon