Lumipas ang isang buwan buhat ng manganak ako. Madalas kong napapanaginipan si Daddy. Ang hindi ko maintindihan ay lagi niyang sinasabi na nasa gitna daw siya ng buhay at kamatayan.
"My love!"
Nagulat pa ako ng marinig ko ang boses ni Jacob.
"Kanina pa kita kinakausap."
"Ha?"
Nakakunot ang noo niyang nilapitan ako. Sinalat niya ako sa noo at leeg.
"May sakit ka ba?"
"Wala. May iniisip lang ako."
"Care to tell me? Maybe I can help?"
Umiling ako. "Wala to. Si Mommy nasaan?"
"Nasa labas. Ibinibilad sa araw ang kambal. Do you want something to eat?"
"Busog ako. Pupuntahan ko muna sila mommy."
Tumayo ako, lalampasan ko na sana si Jacob pero hinawakan ako sa braso ni Jacob.
"Ayaw mo na ba sa akin? Nagsisisi ka bang nagsama ulit tayo?"
Napatingin ako kay Jacob. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"What?"
"Magmula nung ipanganak mo ang kambal natin naging tahimik ka na ulit. Madalas makita kitang nakatulala at malalim ang iniisip. Madalas ka ding umaalis sa tabi ko at sa sofa ka natutulog. Sa tuwing tatanungin kita kung anong iniisip mo umiiwas ka."
Ganon na pala ako kalalim mag isip. Sa kalagitnaan ng gabi ay nagigising ako dahil napapanaginipan ko si Daddy, bumabangon ako at umuupo sa sofa para mag isip at nakakatulog ako don. Hindi ko namamalayang ganon na pala ang iniisip ni Jacob.
Lumapit ako sa kanya at ikinulong ko ang mukha niya sa mga kamay ko.
"I will never regret for having you as my husband and the Father of my children, my love. I love you more than you imagine."
Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan niya ang mga ito.
"Kung tahimik man ako nitong mga nakaraang araw yon ay dahil iniisip ko kung si daddy nga ba ang bangkay na nakuha namin sa Cebu noon. Love, every night i dreamed about dad. Paulit ulit na para bang may gusto siyang sabihin sa akin."
"My love its just a dream kaya huwag mo ng masyadong isipin yon. Its been eight years since your daddy died. Let his soul be in peace. Sa tuwing iisipin mo siya the more na mapapanaginipan mo siya."
Tama naman si Jacob. Pero bakit parang may pakiramdam akong may itinatago si Mommy sa akin?
"O, hayan ka na naman. Youre overthinking about it my love."
Bumuntong hininga ako saka tumingin kay Jacob.
"Okey sige. Hindi ko na iisipin yon."
Kinintalan niya ako ng halik sa labi.
"Good girl. Nanganak na si Erriel, yun ang kanina ko pa sinasabi sayo."
"Really?! Bisitahin natin siya mamaya." Sabi ko.
"Sure. Kasabay na natin si Mommy, si Yaya na lang muna ang maiwan kina Joaquin at Natalia."
Tumango ako. Sa wakas nakaraos na rin si Erriel. Si Erin na ang susunod after five months pero sa Pilipinas daw siya manganganak.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...