Chapter 37

1K 27 0
                                    


Nagmulat ako ng mata. Puting kisame ang una kong nakita. Mabilis akong bumangon.

"Anak, calm down. Nandito ka na sa hospital."

Nakita ko sina mommy at Erin. Hinawakan ko ang ulo ko. May nakalagay na gasa sa may anit ko malapit sa noo.

"Sabi ng doctor okey ka na. Nagkaroon ka lang daw ng konting sugat sa ulo at mga minor cuts and bruises sa katawan."

"Si Arlene? Nahuli ba siya mommy?"

"Namatay si Arlene matapos tumalon sa building anak. Namatay din lahat ng lalakeng kasama niya matapos manlaban sa mga pulis."

Nakahinga ako ng maluwag ng malamang patay na si Arlene. Naalala ko si Jacob.

"How's Jacob mom?"

Nagtinginan sina Mommy at Erin. Hinawakan ni mommy ang kamay ko.

"Nasa state of comma si Jacob, anak."

"No... its my fault, its all my fault!"

Nag uunahan ang luha ko sa pag agos. Kasalanan ko ito. Kung sanang hindi ko siya tinawag, hindi sana siya aakyat doon para iligtas ako.

"Shhh! Walang may kagustuhan ng mga nangyari anak."

Tumingin ako kay mommy. "Mom, i want to see him."

"Anak, sa ngayon kailangan mo munang magpahinga."

"But i want to see Jacob mom."

Tumingin si Mommy kay Erin na parang humihingi ng tulong. Lumapit si Erin sa akin.

"Ate sa galit ng mommy ni Jacob, malabong palapitin ka niya sa anak niya. Pahupain muna natin ang tensiyon."

Humikbi ako at patuloy na umiiyak. "Kasalanan ko to. Mommy hindi kakayanin ng konsensiya ko kapag nawala si Jacob!"

Niyakap ako ni mommy. "Shhh! Hindi siya mamamatay, makakaligtas siya."

Sinunod ko naman ang kagustuhan ng Mommy ni Jacob e, pero si Jacob ang nagpupumilit na lumapit sa akin. Kung sanang bumalik na lang kami agad sa Canada, hindi na sana mangyayari ito.

Nakita ko ang nurse na may itinurok sa suwero ko. Ilang minuto lang ay nakaramdam na ako ng antok. Naramdaman ko ang marahang paghiga sa akin ni mommy.

Dalawang araw buhat ng mangyari ang pagdukot sa akin ni Arlene ay nakapagpasya na ako. Kailangan ko ng tuluyang lumayo kay Jacob. Ngayong araw na din ang labas ko sa hospital.

"Mom I want to go back in Canada tommorow."

Napatingin sa akin si Mommy. Nauna ng nakabalik sa Canada sina Yaya, Celine, Erriel at Rob kahapon, isinama na rin nila si Snowy.

"Wala pang malay si Jacob hanggang ngayon anak."

"I know, but we have to go home mom."

Naupo sa kama ko si Mommy at hinawakan niya ang kamay ko.

"Wala ka bang balak ayusin ang relasyon nyong mag asawa?"

Naalala ko ang mga natuklasan ko tungkol kay Jacob. He dont love me.

"Mommy, hindi niya ako totoong mahal. Ang paglapit niya kay Dad at ang pagpapakasal niya sa akin ay parte lamang ng paghihiganti niya. I also saw the woman.."

I paused. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang maalala ko si Nadine. Simple lang siya, morena at parang babaeng hindi makabasag pinggan.

"She's pregnant. Nakita ko kung paano siya alalayan ni Jacob."

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon