Kinabukasan kahit antok pa ay bumangon na ako. Nagsuot lang ako ng simpleng mustard color na tshirt at leggings na kulay itim. Itinaas ko ang buhok ko para hindi sagabal sa paglilinis. May lababo sa labas ng bahay kaya doon itinambak lahat ng mga maduming pinggan. Gising na si Mommy, nagwawalis na rin na nakita ko si Erriel."Iha tinimplahan kita ng kape." Sabi ni Yaya.
Kinuha ko ang inaabot niyang kape at sandwich. "Thank you, Yaya."
Naglakad ako papunta sa ilalim ng puno ng mangga, may upuan don at lamesa. Nagmumuni muni ako habang nagkakape ng dumating si Matthew, magkasunod sila ni Lance.
"Good morning." Bati ni Lance.
"Morning."
Kumaway naman si Matthew sa akin.
"Lance timpla ka ng kape nyo sa loob." Utos ko kay Lance.
Sumunod naman si Lance. Ilang minuto lang ay lumabas siyang may dalang tray. Iniabot niya kay Matthew ang isang kape.
"For sure maghapon tayong maglilinis dito." Sabi ni Lance.
"Kaya nga dapat maaga tayong mag umpisa. Matthew, marunong ka bang maglinis?"
"Oo naman ate."
Ilang minuto lang ay tumayo na kami. Si Matthew at Lance ay tinulungan si Rob sa paglilinis at pagbubuhat ng mga kalat sa paligid. Si Erriel naman ay nagwawalis, si Erin ay kasama kong naghuhugas ng mga plato. Dumating si Jacob at lumapit sa akin.
"Pati ako dinamay nyo pa sa problema nyo."
Lumingon ako sa kanya. "Alam mo kung ayaw mong tumulong, hindi ka naman namin pipilitin. Matatapos namin ito ng wala ka."
Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin bago siya nagsuot ng gloves at inumpisahang kiskisin ang mga kaldero at kawali. Seryoso siya sa ginagawa kaya ipinagpatuloy naman namin ni Erin ang paghugas ng plato.
"Sobrang dami naman ng mga platong ito. Hindi ba naghugas ang mga nag cater sa kasal?" Si Erin.
"Hindi." Tipid kong sagot.
Lumabas si Mommy at tiningnan ang mga ginagawa namin. Minanduhan niya din kami sa mga lilinisin pa namin.
"Sabunin mong mabuti, Eunice. Yung walang grease na matitira."
Sinipat naman niya ang trabaho ni Jacob.
"You're good in washing dishes, Jacob. Andrea raised you well. Give my warm greetings of Merry Christmas to her."
"Yes, Tita." Sagot ni Jacob.
Naglakad paalis si Mommy, sinulyapan ko naman si Jacob. Seryoso ito sa ginagawa niya. Tinawag ni Mommy si Erin kaya naiwanan kaming dalawa dito sa may lababo. Maya maya pa ay kinakalabit na ako ni Snowy.
"Go to Yaya or Celine. I cant give you food right now, im busy."
Nakaintindi naman ang aso kaya pumasok ito sa loob.
"Why you keep her?"
Nilingon ko si Jacob. "Who? Snowy?"
"She's my gift on your graduation day. Akala ko ba pinatapon mo lahat ng bagay na makakapag papa alala sa akin? But why you keep a living remembrance from me?"
"She's just a dog. I cant throw her."
"But you let your Dad throw me. Mas mahalaga pa pala ang aso sayo kesa sa tao."
"Because Snowy cannot do the things you did to me. Hindi niya ako magagamit para sa pansarili niyang kapakanan." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...