Apat na araw na ang lumipas buhat ng idala sa hospital si Jacob. Inabala ko ang sarili ko sa mga negosyo namin. Madalas gabi na akong umuuwi. Si Erin ay nasa Baguio ngayon. Pinadala siya don ni Daddy para sa isang event na ginanap sa isa sa mga Hotel namin doon." Paghain ba kita ng Dinner, iha?" Tanong ni Yaya.
" No. Kumain na ako sa labas." Sabi ko saka na dire diretsong umakyat sa taas.
Nagulat pa ako ng pagpasok ko sa kuwarto nandon si Jacob at nakaupo sa Sofa. Napatingin siya sa akin. Madali naman akong nakabawi at dumiretso ako sa bathroom. Nang matapos ko ang aking night routine ay lumabas na ako ng bathroom.
" Kahit pala mamatay na ako wala ka parin pakialam sa akin." Narinig kong sabi niya.
Hindi ko siya pinansin. Naupo ako sa kama at tiningnan ang cellphone ko. Nakita kong tumayo si Jacob at nagpunta sa harapan ko. Tiningala ko siya.
" Okey ka naman. You're atill alive and kicking." Sabi ko saka muling itinuon ang mga mata sa cellphone ko.
" Dont you care about me? Im your husband for Godsake!" Anya.
Ibinaba ko na ang cellphone ko sa bedside table.
" Pwede ba Jacob, tigilan mo na ako. Asawa lang kita sa papel, maliwanag? Sa papel lang!" Sabi ko.
" You know what? Sa likod ng maganda at maamo mong mukha nagtatago ang isang halimaw!" Anya.
Marahan akong pumalakpak.
" Very well said. Not your ideal girl right? Malayong malayo. So its better to stop taming me okey? Because this is me and you cannot change me." Sabi ko.
" Are you sure? I've already changed you, Eunice. Naging ganito ka lang after nung narinig mo sa Singapore. I've already told you,that was a lie. Yun ang kailangan kong sabihin para mapagtakpan ko pansamantala na may asawa na ako." Anya.
" I dont care whether its a lie or not." Sabi ko.
" I love you Eunice, maniwala ka man o hindi. I dont care." Anya.
" Oh! Yan ang kasinungalingan! May pakakasalan ka nga sa Cebu diba? Kapag na settle mo na ung dapat mong isettle papakasalan mo siya diba? Yung sinasabi mong isesettle mo yun yung kasal mo sa akin. " Sabi ko.
Nakita ko ang pagsibol ng ngiti niya.
" Based on your words and body language, you're jealous." Anya.
" Of course not! Why will i get jealous?! Pakialam ko sa ideal girl mo!" Defensive kong sagot.
Letcheng mga mata to! Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya! Come on Eunice! Matigas ka! Huwag mong hahayaang palambutin ka ng lalakeng yan!
Itinukod niya ang mga kamay niya sa kama sa may tagiliran ko kaya nakulong ako. Napaliyad ako dahil iniiwas ko ang mukha ko sa kanya.
" Sounds defensive." Anya.
" Defensive ka diyan! Umalis ka nga diyan!" Sabi ko. Itinulak ko sya pero hinuli niya ang mga kamay ko at idiniin sa magkabilaang side ng ulo ko.
He's on top of me at napaka akward ng position namin.
" let me go!" Sigaw ko sa kanya.
" My honey bunny is jealous! Dont worry, i am yours honey." Anya.
Pilit akong kumakawala sa kanya pero lalo niyang hinihigpitan ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.
" Sisigaw ako dito kapag hindi ka umalis diyan!" Banta ko sa kanya.
" As if hahayaan kitang makasigaw." Anya.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...