Kinuha ko ang passport at lumabas ako ng kuwarto. Pinuntahan ko sila sa sala. Nagulat sila ng ibato ko kay Jacob ang luma niyang passport.
"Ipinatapon ka ni Daddy sa Middle east? Sinungaling! Malinaw na nakalagay diyan sa luma mong passport na dito ka nagpunta sa Canada! Ikaw ang nagdala kay daddy dito dahil ng mga panahong yan kasama namin si Mommy sa Pilipinas! Isang buwan pa bago kami nakarating dito!"
"Tama na Eunice!"
Sumigaw na si Mommy pero hindi ako natinag. I just want to know the reason why did they hide the truth from us.
"You want me to stop mommy?! Fine! Hihinto ako basta sabihin nyo sa akin ang totoo!"
Humagulgol ng iyak si Mommy.
"My love please, not now."
"Okey na tayo Jacob e. Masaya na tayo. You love me and i love you. But how can you do this to me? Sabi mo nagpakahirap ka sa middle east pero ang totoo nandito ka sa Canada! Ilang kasinungalingan pa ba ang dapat kong malaman? Ilang sikreto pa ang dapat kong matuklasan? Nandiyan na ang mga anak natin, pero bakit kailangan pang magkaganito tayo?"
"Kailangan ko lang gawin ang alam kong tama."
"Gawin ang tama?! Tama bang ilihim nyo sa akin ang tungkol kay Daddy?! Tama bang hayaan nyo kaming isipin na matagal na siyang patay?! Gabi gabi ko siyang napapanaginipan nitong mga nagdaang gabi at alam ko na may gusto siyang sabihin sa akin! Ngayon alam ko na kung ano yon! Yon ay ang panglolokong ginagawa nyo sa amin! Sa lahat ng tao bakit kayo pa?!"
Tumayo si Mommy at lumapit sa akin, hahawakan niya sana ako pero umatras ako.
"Dont you dare to touch me! I hate you mommy!"
Nakaramdam ako ng biglang sakit sa puson ko. Napahawak ako sa pader. Nag aalalang lumapit sa akin si Jacob.
"Love, what's wrong?"
Hinawi ko ang kamay niya.
"Dont touch me!"
"Eunice stop being stuborn!"
Napatingin ako sa kanya dahil sa pagbigkas niya sa pangalan ko. Seryoso siya kapag ganon.
"I said dont touch me!"
Pero hindi niya ako pinansin. Binuhat niya ako. Nanlaban ako sa kanya. Pinagsusuntok ko siya sa dibdib, kinalmot sa mukha at sa huli ay kinagat ko siya sa balikat. Pero tiniis niya lahat yon hanggang maihiga ako sa kama. Idinagan niya ang sarili niya para hindi ako makagalaw.
"Stop forcing yourself! Duduguin ka sa ginagawa mo! Gusto mo bang mawalan ng ina ang mga anak natin?!"
Nakawala ang kanang kamay ko kaya muli kong nasuntok ang mukha niya.
"I hate you!"
Hinuli niya ang kamay ko.
"I dont need a liar like you in my life! I want you to stay away from me from now on!"
Puno ng hinanakit ang mga mata niyang tumingin sa akin.
"Gusto mong maranasan ng mga anak mo ang naranasan mo? Ang hindi kumpleto ang pamilya? Gusto mong mamulat sila sa mundong kinamulatan mo noon? Kasi ako hindi. Kaya nga inilihim ko sayo ang tungkol sa daddy mo. Dahil ito ang kinatatakutan kong mangyari."
"Kung sinabi mo ng mas maaga sa akin hindi tayo aabot sa ganito! Kahit hindi kami kumpleto hindi ko gagawin sa kanila ang ginawa sa akin noon ni Daddy!"
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...