Tatlong linggo ang mabilis na nakalipas at hindi ko na muli pang nakita si Jacob. Naibalita din sa telebisyon ang hindi niya na muling pagpirma sa kanyang kontrata sa istasyon kung saan siya nagtratrabaho bilang singer. May bali balita ding umalis na siya ng bansa.
" Nasaan siya?"
Nasa Garden si Daddy at pinagmamasdan ang mga bulaklak. Napalingon siya sa akin.
" Huwag mo na siyang hanapin pa. Kalimutan mo na siya."
" Did you killed him?" Lakas loob kong tanong.
Ibinulsa ni Daddy ang mga kamay niya sa bulsa ng suot niyang pantalon. " Masama akong tao, oo. Pero hindi ako mamamatay tao."
Hindi ko pa rin tinigilan si Daddy. " Then where did you bring him?"
" Sa isang malayong lugar. Doon niya mararanasan ang muli niyang paghihirap."
" Anong ginawa mo sa Daddy niya?"
Tumingin sa akin si Daddy. " Wala akong ginawa kay Jacobo. Naaksidente siya kaya siya namatay. Imahinasyon lang ng mag inang yon na pinatay ko si Jacobo para makuha ang hotel nila."
" Aling hotel pa ang dating pagma may ari nila Jacob?"
" Yung sa Cebu. Malinis ang pagkakakuha ko sa mga hotel ng daddy niya. Muli kong itinayo ang mga ito at pinalago. Ibibigay ko ang mga yon kay Jacob bilang regalo sa inyong mag asawa, pero sinasaksak niya na pala tayo sa likod hindi pa natin alam."
Sayang. Kung sinabi mo lang sana agad dad kay Jacob, baka naisalba pa ang relasyon namin.
" Anong pangalan ng babae ni Jacob sa Cebu?"
" Bakit ka intresado sa babaeng yon? Dont waste your time for them, Eunice. Just focus on your study. 1 month na lang tapos ka na." Sabi ni Daddy saka na umalis.
Napatingin ako sa mga bulaklak ng orchids. Nakakagaan ng pakiramdam. Kaya pala madalas dito si Daddy.
" Mama can we play?"
Tumingin ako kay Celine na hinihila ang laylayan ng damit ko. Umupo ako para magpantay kami.
" I can't play with you right now. Lots of things has on my mind, Baka hindi ko mamalayang masigawan na kita."
Titig na titig sa akin si Celine. Maya maya pa ay hinawakan niya ang mukha ko.
" Its okey mama. If you will yell at me, i will understand. If you dont want to play with me, its okey, because i love you mama."
" I love you too." Niyakap ko si Celine.
Kaya kong magalit sa lahat pero kay Celine? Hell no! Hindi ko kayang magalit sa batang ito.
Hinalikan niya ako sa pisngi. " Kapag okey ka na Mama, saka na lang po tayo mag play."
Tumakbo na siya papasok sa loob ng bahay. Papasok na sana ako sa loob ng may maramdaman akong nakatingin sa akin. Marahan akong lumingon. Isang kulay puting asong mabalbon ang nakita kong nakaupo malapit sa may sunflower at nakatingin ito sa akin.
" Yaya! Yaya!"
Nagmamadaling lumapit sa akin si Yaya.
" Ano ba yun?"
Itinuro ko ang aso. " What this dog doing here?"
" Ay kaninong aso ba yan? Paano yang nakapasok dito?"
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...