Mula ng magkausap kami ni Erin ay hindi pa rin siya nag open up sa akin. Naintindihan ko naman yon. Siguro ay sobrang sakit pa rin sa kanya ng mga nangyari. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng maong na pantalon at simpleng sleeveless blouse na kulay itim. Ipapasyal ko si Celine ngayon. Bawal sumama si Jacob dahil baka may makakilalang mga fans sa kanya. Tumayo na ako at lumabas ng kuwarto.Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko ang mga maleta ko sala. Nagulat ako kung bakit nandon ang mga yon. Nandon si Daddy at Erin.
"Bakit nandito ang mga maleta ko?" Tanong ko.
" You're going to Singapore today." Sabi ni Daddy.
"What?!" Gulat kong tanong kay Daddy.
" I want you to be there bilang kinatawan ng Montefalco Hotel and Restaurant Incorporation. I cannot go there. Madami akong inaasikaso dito." Sabi ni Daddy.
" But Dad, I promised Celine we're going out today. You did'nt tell m-
"Oh shut up you idiot! Marami pang pagkakataon para makapasyal kayo ni Celine, pero minsan lang ang pagkakataong ito para sa negosyo natin!" Singhal ni Daddy sa akin.
Napapikit ako sa inis. Kahit kailan talaga never akong makakapag desisyon sa sarili ko.
" Ate ako na lang magpapasyal kay Celi-
" Anong ikaw?! Aalis ang ate mo kaya ikaw ang pansamantalang papalit sa kanya sa pwesto niya sa hotel na hawak niya dito!" Putol ni Daddy kay Erin.
" Ako?! Anong alam ko diyan?! Ni hindi pa nga ako nakapag aral e, tapos ipapahawak nyo na sa akin-
" Letse! Kailangan mong pag aralan! You two are Montefalco, my daughters! So you should know how to handle my business!" Sigaw ni Daddy.
" But-
" Per-
Halos sabay naming sabi ni Erin na pinutol ng sigaw ni Daddy.
" Just do what i've said!" Sigaw ni Daddy.
" Mama, aalis na po tayo?" Narinig kong sabi ni Celine. Nasa dulo ito ng hagdan at naglakad na palapit sa akin.
Napatingin ako kay Erin na hindi din maipinta ang mukha dahil sa inis. Nilingon ko ulit si Celine na nasa tabi ko na. Umupo ako para magpantay kami.
" Celine, may biglaan kasi akong lakad. May inuutos kasi sa akin ang lolo mo." Sabi ko sabay tingin kay dad at muling ibinalik ko ang tingin kay Celine.
" Pero Mama sabi mo mamamasyal po tayo ngayon e." Sabi ni Celine na napakalungkot ng mukha.
Hinawi ko ang buhok niya na tumatakip sa mukha niya.
" Yun sana talaga ang gagawin natin kaso kasi may importante lang na inuutos ang lolo mo." Sabi ko.
" I will tell your Tita Selena to go out with Celine." Sabi ni Dad.
" No!" Sabay naming sabi ni Erin.
" Dito na lang ang anak ko sa bahay dad." Sabi ni Erin.
" Fine!" Sabi ni Daddy.
" Celine bibili na lang ako ng pasalubong para sayo ha? Pagdating ko mamamasyal tayo, okey?" Pag alo ko kay Celine.
Nakahinga ako ng maluwag ng tumango ito.
" You need to go Eunice. Baka maiwan ka ng flight mo!" Si Dad.
Hinalikan ko sa noo si Celine bago ako tumayo at tumingin kay Daddy. Inabot niya sa akin ang passport ko at ang ticket ko. Inis kong kinuha yon saka na lumabas ng bahay. Pagsakay ko sa sasakyan ay tinawagan ko si Jacob pero naka ilang ring na ako ay hindi pa rin siya sumasagot. Nag type ako ng message para isend sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...