Pagkatapos naming mag dinner ay niyaya ako ni Jacob sa Garden sa likod ng bahay, malapit sa swimming pool. Nagpadala kami ng kape doon." Pasensiya ka na kung this past few months naging busy ako. Ni hindi tayo nakakapag usap." Basag ni Jacob sa katahimikan.
" Its okey. Naging busy din naman ako. Mas lalo na ngayon, may pasok na naman ako." Sabi ko.
Kinuha niya ang kanang kamay ko at idinala niya sa labi niya at hinalikan. Mabilis kong hinila ang kamay ko dahil para akong nakuryente. Huli na ng marealized ko na wrong move yon.
" I.. im sorry, nagulat lang ako." Sabi ko.
Napangiti siya sa sinabi ko. Hindi ko matagalan ang pagtitig niya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin.
" And you know now how to apologize. See? You're not that bad." Anya.
Nalito ako sa sinabi niya kaya muli akong tumingin sa kanya.
" What do you mean?" Tanong ko.
" You just say sorry. Nag sorry ka dahil nagulat ka sa ginawa ko." Paliwanag niya.
" Sinabi ko ba yon? Parang wala akong naaalala." Pag de deny ko.
Napakislot ako ng tinusok niya ng daliri niya ang tagiliran ko.
" Sus! Denial queen ang misis ko!" Pabiro niyang sabi.
Nag init ang buong mukha ko sa sinabi niya. Ano bang pinakain sa akin ng lalaking ito at kaya niyang baguhin ang mga nakasanayan ko?
" Ginagayuma mo ba ako ha?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya.
Humagalpak siya ng tawa sa tanong ko sa kanya.
" Hey! What's funny?!" Singhal ko sa kanya.
Maluha luha na siya sa kakatawa niya at ako naman ay inis na inis na sa kanya.
" Gayuma? Love spell?" Tanong niya.
" Yes!" Sagot ko.
" Wala akong alam sa sinasabi mo. Kung may kilala akong marunong gumawa ng gayuma matagal na sana kitang ginayuma, kaso wala e. Paano mo naman nasabing ginagayuma kita my love?" Tanong niya.
" Because.... because... ah, basta!" Sabi ko.
Napangiti siya sa sagot ko.
" Kasi unti unti napapalambot kita, ganon ba ang ibig monh sabihin?" Anya.
Hindi ako kumibo. Sinimangutan ko lang siya.
" My love, dati kang ngumingiti. Pinatigas ka lang ng hatred mo sa mommy mo. Kaya mong ibalik ang dating Eunice pero pinipigilan mo at naglalagay ka ng pader sa harapan mo. Its because you dont want to feel weak again. Ayaw mong magpapasok ng ibang tao sa mundo mo dahil takot kang maiwan ulit, takot kang umasa sa pangako." Mahabang sabi niya.
Napayuko ako dahil tinamaan niya lahat. Totoo lahat ng sinabi niya.
" I know it from the beginning. Kaya nga pinipilit kong ipasok ang sarili ko sa mundo mo, but you're pushing me away. Ilang buwan na tayong kasal at kahit ayaw mong paniwalaan, i've learned to love you." Anya.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang sinseridad sa mga sinabi niya.
" Hindi kita pipiliting patawarin mo kaagad ang Mommy mo. But atleast open your heart to her. Open your heart to all the people around you and..... to me. Learn to appreciate all the things other people do to you. Atleast say Thank you and youre welcome. Say Sorry if you did'nt mean to hurt someone or you make some mistake. Learn to control your anger." Anya.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...