Pagbaba ko kinabukasan ay tahimik ang bahay. Alas otso na ng umaga kaya natitiyak ko na umalis na sina Daddy at Tita Selena. Naabutan ko na nakaupo sa dining Table ang batang si Celine." Where's your mommy?" Tanong ko.
Umiling lang ang bata
" Naku mag isa lang bumaba dito yan. Tulog pa siguro si Erin." Sabi ni Yaya Judith habang naghahanda sya ng agahan ko.
Napatingin ako sa bata na mataman ding nakatingin sa akin. Nakikita ko ang sarili ko sa pamangkin ko noong bata pa ako. Walang ina na nag aasikaso at may ama nga ako pero wala namang pakialam sa akin.
" You want cereals and milk? Or rice and hotdogs?" Tanong ko.
Hindi sumasagot ang bata, nakatingin lang sya sa akin.
Tumayo ako at lumapit sa bata. Nilagyan ko ng konting kanin ang plato niya at nilagyan ng hotdog. Kumutsara ako ng kanin at nilagyan ko ng hotdog saka ko isinubo kay Celine. Tinanggap naman niya ito. Hindi ko namalayan na naubos ni Celine ang pagkaing nilagay ko sa plato niya. Pinapainom ko sya ng tubig ng bumungad si Jacob.
" Sya ba ang kinukuwento mong anak ni Erin?" Tanong niya.
Tumango ako. Pinunasan ko na ang bibig ni Celine.
" Go with Yaya Judith, Celine. Yaya pakipaliguan si Celine at bihisan. Pakigising na rin si Erin para makapagbihis na rin. 10am aalis na kami." Utos ko kay Yaya.
Kinuha niya si Celine at inilabas na ng komedor. Napansin ko namang pangiti ngiti si Jacob.
" What?! Ang aga aga mang aasar kana naman." Singhal ko sa kanya.
" Your actions toward your niece is showing your inner personality." Anya.
" Nakikita ko lang ang sarili ko sa kanya noong bata pa ako. I dont want my niece to be like me. So as long as I can, magpapaka nanay ako sa kanya." Sabi ko kay Jacob.
" Mas maganda na masanay ka na para kapag nagka anak na tayo, marunong ka na." Anya.
" Kumain kana lang okey? Mamaya kung saan na naman mapunta yang sinasabi mo." Sabi ko sa kanya.
Tinawanan lang niya ako bago niya ipinagpatuloy ang pagkain niya.
Sinamahan ko nga sa Mall si Erin. Kasama din namin si Celine.
" Kunin mo lahat ng magustuhan mo. Damit, shoes, Make up.anything you want." Sabi ko kay Erin.
" Talaga?" Nagulat niyang tanong.
" Yes." Sabi ko.
" Thank you Ate!" Anya saka niya ako biglang niyakap.
Sandali lang yon at kumalas na siya ng yakap.
" Paki assist na lang siya." Utos ko sa saleslady.
Tumango naman ang babae. Tumingin ako kay Celine na nakatingin sa isang malaking Panda Stuffed toy.
" You want it?" Tanong ko.
" Wala po kami pera." Sagot niya.
" Noon yon, pero ngayon madami na. Bibilhin ko para sayo ang stuffed toy na yan. We will also buy a new clothes and shoes for you." Sabi ko.
" Totoo po?" Tanong niya.
Tumango ako.
" Let's go." Aya ko sa kanya.
Nawili ako sa pamimili ng gamit para kay Celine. Pagkatapos namin Mamili ay kumain muna kami bago kami nagpunta sa Salon at pina make over si Erin. Alas dyes na ng gabi ng makauwi kami sa bahay. Nakatulog na rin si Celine sa pagod.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...