Si Yaya Judith ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng bahay. Sinulyapan lang ako ni Dad na nasa verandah malapit sa sala at muli ng itinuon ang pansin sa mga papeles na nasa harapan niya." Naku halatang pagod ka sa byahe. Ipinaghanda kita ng makakain sa lamesa para makakain ka bag-
" Nene!" Tawag ko sa isang katulong na syang nagpahinto sa pag sasalita ni Yaya.
Humahangos ang katulong na lumapit sa akin. At halata sa mukha ang takot.
" M..mam." anya.
Marahas kong itinulak papunta sa kanya ang isa kong maleta kung saan nakalagay ang mga gown ko.
" Your such a stupid person you know?!" Sigaw ko.
Lumapit si Yaya kay Nene.
" Anak hindi kasi niya alam na hindi mo isinusuot ang mga yan." Singit ni Yaya.
" Dapat nag tanong siya! Sa susunod magtanong ka at huwag mong gamitin ang katangahan mo!" Sigaw ko.
" Eunice stop it." Narinig kong sabi ni Jacob.
Nakita ko sya na pababa sa hagdan.
" Oh! Meron ka palang knight in shining armor dito! Wala nga lang dalang kabayo!" Sarkastiko kong sabi.
" Eunice, magpahinga ka na. Wala kang mapapala kung papatulan mo ang mga maids natin." Utos ni Daddy sa akin.
" Fine!" Sabi ko saka na ako padarag na naglakad paakyat ng hagdan.
Huminto ako sa tapat ni Jacob.
" Next time huwag kang mangingialam sa panenermon ko sa mga MAID NAMIN." Sabi ko sa kanya na may diin sa huling dalawang salita.
Nagpatuloy na ako sa pag akyat sa hagdan. Pagpasok ko sa kuwarto ay pabalabag kong sinara ang pinto na naging sanhi ng malakas na lagabog. Napansin ko na puno ng bulaklak ang kuwarto at sa kama ay may mga rose petals at binuo ang salitang "SORRY".
Inis kong hinablot ang bedsheet at ibinalot ang mga rose petals. Lumabas ako ng pinto at lumapit ako sa railings kaya natanaw ko na nandon sa sala si Jacob. Hinagis ko ang bed sheet sa sala kaya nagkalat ang mga rose petals sa tiles. Tumingala sa akin si Jacob, lumapit din ang mga katulong sa pinagbagsakan ng bed sheets. Pumasok ulit ako sa kuwarto at kinuha ang mga bulaklak at muling inihagis.
" How many times do i need to tell all of you not to bring any roses in my room?! I hate roses!" Sigaw ko sa mga katulong.
Kinuha ko lahat ng flowers sa kuwarto ko at inihagis pababa. Nagkalat tuloy ang mga bulaklak doon. Nang kinuha ko ulit ang huling bulaklak ay nandon na si Jacob. Hinawakan niya ako sa braso.
" Stop it Eunice! Pwede mo namang ipakuha sa mga maids yan. Hindi mo na dapat inihagis pa." Anya.
Marahas kong binawi ang braso ko sa kanya.
" Next time magtanong ka muna kung gusto ko ba ng mga bulaklak na ganito." Singhal ko sa kanya.
" Nagkakaganyan ka ba dahil sa narinig mong sinabi ko sa Singapore? Eunice Im a singer! Kailangan kong mag imbento ng kasinungalingan para lang pagtakpan ang kasal natin! Ayokong pati ikaw bulabugin ng mga paparatzi!" Paliwanag niya.
" You dont need to explain, Jacob. I knew everything from the very beginning! Yes we're married, pero hanggang don na lang yon! We dont need this relationship to work. So stop acting like a real husband to me, dahil diring diri na ako!" Sigaw ko sa kanya saka ko muling inihagis ang isang bouquet ng roses sa sala.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...