Lumipas pa ang isang buwan buhat ng mapadpad dito ang Mommy ni Jacob. Nasa kusina ako at nakaupo, hindi ako pumasok ng trabaho dahil ilang araw ng Masama ang pakiramdam ko."Magpacheck up ka na kaya iha? Aba'y Madalas na yang pagsama ng pakiramdam mo."
"No need Yaya. Malamig lang siguro kaya laging masama ang pakiramdam ko."
Naamoy ko ang niluluto ni mommy na pinakbet. Parang babaligtad ang sikmura ko sa amoy non.
"Mommy, what are you cooking? Ang baho naman!"
Napatingin sa akin si mommy at nagtataka.
"Paborito mo ito, aba sa pitong taon kong pagluluto ng pinakbet para sayo, ngayon mo lang sinabing mabaho ito?."
"Ate! Ate!"
Narinig namin tawag ni Erin sa akin, pumasok ito sa kusina.
"Ate hiramin ko muna itong isang pack ng feminine pad mo. Meron pa namang isa don sa drawer mo. Nag stock ka pala ng napkin mo e."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan!
"No..."
"Ha? Ayaw mong ibigay sa akin?"
Buntis ako? Nabuo ang isang gabing pagpaparaya ko kay Jacob! Akala ko hindi ako mabubuntis, bakit ngayon ko lang napansin? Bakit inabala ko ang sarili ko sa trabaho? Bakit ngayon pang gusto ko ng makalimutan si Jacob? Napaiyak na ako.
"No it cant be..."
"Ate, anong nangyayari sayo?"
Nag aalala na silang lumapit sa akin.
"Iha bakit ka ba umiiyak?"
Tumingin ako kay mommy. "Mom im sorry!"
"Ano bang nangyayari sayong bata ka? Napkin lang ang sina-"
Natigilan si mommy. Humikbi ako. "Mommy im sorry!"
"M-May namagitan sa inyo ni Jacob?" Tanong ni mommy.
Tumango ako. "Just now i remember that i didnt got my period eversince we came back here."
Napaupo si Mommy sa upuan. Mabilis naman siyang nilapitan ni Yaya.
"Mommy hindi ko po sinasadya. I just carried away." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
"Carried away? Ginusto mo Eunice! Dahil kahit gaano pa kagusto ng lalake kung ayaw mo namang babae walang mangyayari!"
Hindi ako nagsalita. Tama naman si Mommy, ginusto ko din kaya may nangyari.
"Naayos ang kay Erin, ikaw naman ang pumalit! Mukha yatang tama ang daddy nyo. Mapapariwara kayo sa poder ko!"
"Mommy no... ako ang may kasalanan at hindi ikaw. Ginusto ko to e.."
"Ayusin mo yan Eunice. I want you to tell Jacob about your pregnancy!"
Umiling ako. "No, ayoko mommy!"
"Just do what i've said! Kailan mo sasabihin sa kanya? Kapag kasinglaki na ng anak nyo si Celine?!"
"Mommy, ate, sandali lang. Hindi pa nga tayo sigurado kung buntis si Ate e. May mga babae kasing after magalaw hindi nagkakaroon diba? Lets check it first before we proceed to the next step."
"Samahan mo ang Ate mong magpacheckup ngayon. Magbihis ka na Eunice at sumama ka sa kapatid mo!"
Galit na umalis si Mommy sa kusina. Nagbihis naman ako at nagpasama ako kay Erin sa Doctor.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...