Puting kisame ang una kong nakita ng magmulat ako ng mata. Napahawak ako sa ulo ko. Unti unti akong bumangon at inalala ang nangyari sa akin. Naalala kong may nagtakip ng ilong ko kanina kaya nawalan ako ng malay. Inilibot ko ang paningin sa buong kuwarto. Nakita ko ang litrato ni Jacob na nakalagay sa bedside table.
"Damned you Jacob!"
Mabilis kong hinanap ang sapatos ko. Isinuot ko ito ng makita ko. Nakita ko ang bag ko sa upuan. Dinampot ko ito. Pinihit ko ang doorknob pero nakalock ito. Kinalampag ko ang pinto.
"Jacob! Open this damn door! Jacob! Jacob!"
Naglakad ako papunta sa glass door. Sinipa ko ito ng malamang nakalock din. Bumalik ako sa pintuan at kinalampag ng kinalampag. Nakita kong umikot ang door knob. Pumasok si Jacob. Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha niya.
"How dare you to do that to me!"
Dinuro ko sya. "Huwag na huwag mo akong pakikialaman sa lahat ng gagawin ko! Hindi ko kailangan ng tulong mo ngayon, bukas at kahit kailan!"
Lalabas na sana ako ng pinto ng bigla niya akong hilain at itulak. Napaupo ako sa kama. Mabilis akong tumayo at sasampalin ulit sana siya pero sinalo niya ang kamay ko.
"Hindi ko hahayaang ipahamak mo ang sarili mo."
"And who are you to care for me?! My husband?!"
Gigil na gigil kong kinuha ang folder sa loob ng bag ko at inihampas sa dibdib niya. "Sign this! Annulment Papers yan! Gusto ko ng tapusin ang lahat sa atin tutal pitong taon na tayong magkahiwalay!"
Kinuha niya yon sa kamay ko. Binasa niya ang nakasulat. "Physical Incapability? None conssumated marriage?"
Tinanggal niya sa folder ang mga papel at saka walang habas na pinagpira piraso.
"Talagang yan ang ginawa mong reason para sa annulment case? Hindi ako papayag. You will still remain as my wife, whether you like it or not!"
"Makakakuha pa ulit ako ng kopya niyan! Kahit hindi mo pirmahan yan kaya kong magpakasal sa Canada! Umalis ka diyan! Aalis ako dito!"
Nagpumilit akong lumabas ng pinto pero malakas siya at hindi ako makalaban sa kanya. He pinned me down on the bed.
"Bitiwan mo ako!"
He shut me with a deep kiss in my mouth. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at ipininid ang mga labi ko. Ipinaramdam ko sa kanyang walang epekto ang halik niya sa akin. Naramdaman niya yon kaya pinakawalan niya ang mga labi ko at tiningnan niya ako. Tumingin din ako sa kanya na blangko ang ekspresyon.
"Are you done?" Walang emosyon kong tanong sa kanya.
"No."
Sinubukan niyang halikan ang leeg ko. Hindi ako nanlaban. Kaya muli siyang huminto. Mabilis siyang tumayo. Bumangon din ako sa kama at inayos ko ang nagusot kong damit. Walang kangiti ngiti akong tumingin sa kanya.
"Bakit ka huminto? Naramdaman mo ba? Naramdaman mo ba kung gaano katigas ang puso ko para sayo? Kung gaano kamanhid ang katawan ko para sa haplos at yakap mo? Kung gaano kalamig ang mga labi ko para sa halik mo? Ang Eunice na nakilala mo noon ay siya paring Eunice na gusto mong angkinin ngayon! Ayaw na kitang makasama pa at ayaw na kitang makita pa ulit! Kaya huwag mo na akong pakialaman sa gusto kong gawin dahil wala kang ni katiting na pakialam sa buhay ko!"
Nagdilim ang mukha niya, nanlisik ang mata niya sa galit.
"Ganyan ka ba kamanhid? Ikaw pa ang may ganang magmalaki sa akin samantalang ikaw, kayo ng Daddy mo ang sumira ng buhay ko!"
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...