Chapter 12

1.2K 38 0
                                    


Pasukan na naman..Graduating na ako next year. Gaya ko Hotel and Restaurant management din ang ipinakuhang kurso ni Daddy kay Erin, Si Jacob busy na din masyado ngayon sa Career niya at sa paghawak sa isang hotel namin. Magmula ng inalok niya ako na sumama sa kanya, dalawang buwan na ang nakakaraan ay hindi na kami masyadong nakakapag usap ng matagal. Madalas siyang out of town, tulog na ako minsan kapag dumadating siya.

Pagbaba ko sa baba ay nasa Sala na si Celine at inaayos ni Erin ang mga gamit nito sa bag.

" Good morning Mama!" Masiglang bati niya sa akin.

Yumakap ako sa kanya saka ko siya hinalikan sa noo.

" Mama yung lipstick mo!" Anya sa akin saka pinunasan ang noo niya kung saan ko siya hinalikan.

" Dont worry, kiss proof ang lipstick ko." Sabi ko.

Tiningnan ko ang suot niyang i.d na kinuha pa namin sa School niya kahapon.

" Amira Celine Montefalco. " basa ko sa name niya.

Inayos ni Daddy ang pangalan ni Celine at isinunod niya sa apelyido namin. Amira Celine De leon ang nakalagay sa Birth Certificate ni Celine.

" Late ka na. Alis na kayo." Tawag ni Erin sa kanya.

Humalik na sa amin si Celine.

" Lydia, alagaan mong mabuti yang bata." Utos ko kay Lydia na ginawa naming yaya ni Celine.

" Opo mam." Sagot nito saka na inakay palabas si Celine.

" Halika na, Erin." Aya ko naman kay Erin.

Pagdating namin sa Campus ay naghiwalay na kami ni Erin. Pagpasok ko sa room ay nagsipag tahimik ang mga kaklase ko. Naupo ako kung saan nakalagay ang pangalan ko. Bakante pa ang nasa bandang kanan na upuan sa tabi ko. Binasa ko ang pangalan at lalaki ang may ari non. Tiningnan ko naman ang katabi ko sa kaliwa at lalaki din ito. Mukhang bagong salta.

" Hi classmate! Mangkukulam ka ba? Bakit kulay itim yang lipstick mo?" Preskong tanong nito habang ngumunguya ng chewing gum na parang kambing.

Nakita kong kinakalabit siya ng katabi niya. Iwinisik niya ang kamay ng kung sino mang kumakalabit sa kanya.

" Ano ba?!" Singhal niya dito saka muling ibinalik ang tingin sa akin.

" Hoy! Pipi ka ba? Bakit hindi ka nagsasalita diyan?" Tanong niya ulit sa akin.

Tiningnan ko lang siya saka na iniiwas ang paningin ko sa kanya. Tunog ng natumbang upuan ang sunod kong narinig. Nakita kong tumayo sa harapan ko ang lalake. Malaki ang bulas nito at may katabaan. Hinampas niya ang lamesa na kasama ng upuan ko.

" Bastos ka ah! Kapag kinakausap kita sumagot ka! Hindi mo ba ako nakikilala ha?!" Sigaw niya sa akin.

Hinawi ko ang buhok ko na nalaglag sa mukha ko tsaka ko tiningala ang lalaki sa harapan ko.

" You're not familiar to me and this is the first time i saw you. You did'nt know me either." Sagot ko.

" Sino ka ba? At bakit ko naman kikilalanin ang isang kagaya mong umaasa lang sa Scholarship para lang makapag aral sa prestihiyosong paaralan gaya nito?!" Mayabang niyang sigaw sa akin.

Tiningnan ko ang suot nitong i.d.

Leo Cervantes Jr.

Kaya pala mayabang, anak siya ng manager ng hotel namin sa Makati.

" Leo Cervantes Jr. Maybe you are the only son of Mr. Leo Cervantes? Manager of Montefalco Hotel and Restaurant Makati branch." Sabi ko.

Ngumisi ng nakakaloko ang lalakeng mukhang baboy damo.

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon