CHAPTER 30

1.1K 36 0
                                    

Mula noon ay hindi ko na muli pang nakita si Jacob. Nakabalik na din sa Canada si Lance. Doon siya magpapasko kasama ang pamilya niya. Isang linggo bago magpasko ay nagpaalam ako kay Mommy na luluwas ako ng Manila. Pinayagan naman niya ako. Malayo ang Isabela sa Manila pero ako lang mag isa ang nagdrive. Sa Condo ni Tito Philip ako tumuloy. Si Arlene ang una kong hinanap sa Manila. Nagkita kami sa isang restaurant.

"Miss Eunice?"

Tiningala ko ang babaeng nakatayo sa harapan ko.

"Arlene.."

Niyakap ko si Arlene. Mukhang nagulat siya sa inasal ko.

"Have a seat, and please stop calling me Miss Eunice. Eunice na lang."

Umupo siya at mataman akong pinagmasdan. "You've changed a lot Mis- i mean Eunice."

Ngumiti ako sa kanya at nagulat ulit siya.

"Pwede bang tigilan mo yang paglaki ng mata mo? Wala na yung dating Eunice na nakilala mo noon. Iba na ako ngayon. How's life? Its been seven years since the last time i saw you."

"Im fine. Ikaw, balita ko sumama ka sa mommy mo sa Canada?"

"Yes. Nagbago ang buhay ko dahil sa kanya. Mas maganda din na namatay si Daddy. Nakawala ako sa kanya."

Dumating ang inorder namin kaya pansamantalang nahinto ang kuwentuhan namin.

"By the way Arlene, i just want to say sorry."

Takang taka siyang napatingin sa akin. "For what?"

"Alam kong hindi ako naging mabuting amo sayo non. Kahit labag sa loob mo sinusunod mo pa rin lahat ng ipinag uutos ko sayo. Kaya gusto kong humingi ng tawad sayo."

Ngumiti sa akin si Arlene. "Ipinagpapasalamat kong ikaw ang naging amo ko. Nang dahil sayo, natuto akong tumayo sa sarili kong paa. Naging inspirasyon kita, dahil sa murang edad mo pa lang noon ang galing galing mo ng humawak ng negosyo at wala kang takot banggain kahit sino. Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin."

Hindi ko alam pero bigla na lang pumatak ang mga luha ko. Mabilis kong pinunasan ito.

"Oh God, Im sorry. I got carried away." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

Natawa naman sa akin si Arlene. "Ibang iba ka na nga."

"Oh gosh! Ang bilis kong maiyak."

"Nabalitaan mo na bang naibenta na ang ilang shares sa mga hotel nyo?"

Tumango ako. "Bakit hindi pa ibentang buo ni Tita Selena?"

"Hindi mo ba alam?"

Napakunot ang noo ko kay Arlene.

"Ang alin?"

"Sayo nakapangalan ang lahat ng ari arian nyo at hindi kay Selena." Pabulong na sabi sa akin ni Arlene.

Nalilito akong napatingin kay Arlene. "What?!"

"Ang akala ni Mam Selena sa kanya nakapangalan lahat. Tuso ang ama mo dahil yon lang ang pinalabas pero ang hindi alam ni Mam Selena sa iyo nakapangalan ang lahat. Nalaman lang niya yon nung walang perang lumalabas galing sa lahat ng negosyo nyo, dahil ang lahat ng kinikita ay sa bank account mo pumapasok."

"Pero nakafreeze lahat ng bank account namin ni Erin."

"Its because ayaw ng daddy mo na malaman nyo. Lahat ng properties nyo hindi maibenta ni Selena dahil sayo lang nakapangalan. Kaya kung ako sayo umuwi ka na ng probinsiya at huwag na huwag kang magpapakita kay Mam Selena."

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon