CHAPTER 16

1.1K 36 0
                                    

Alas nuwebe na ng gabi ng makauwi kami sa bahay. Nasa sala si Daddy at Tita Selena. Humalik kami kay Daddy.

" How's your mom?" Narinig kong tanong ni Daddy.

" She's fine." Sagot naman ni Erin.

" Humingi siguro ng pera nyong magkapatid. Kumusta naman ang treatment mo sa kanya Eunice?" Sabad ni Tita Selena.

" Walang hiningi ni kusing ang mommy ko sa amin." Sabi ni Erin.

" Erin is right. Our mother is not like you. You can ask dad about that. Right dad?" Sabi ko din.

Hindi kumibo si Daddy.

" Matutulog na kami dad. Goodnight." Sabi ni Erin.

Naglakad na si Erin papunta sa hagdan, maglalakad na rin sana ako ng tawagin ako ni Daddy.

" Eunice." Tawag niya.

Huminto ako at nilingon siya.

" Tungkol sa issue na ibinabato kay Jacob ngayon."

" Don't worry about that Dad. I can manage." Sabi ko kaagad kay Daddy.

Ayokong malaman niya na tumakas ako kagabi para sunduin sa bar si Jacob.

" I don't want you to get involve with this issue. Ayokong pasukin ng mga pesteng reporter ang buhay natin. Kapag nalaman nilang asawa ka ni Jacob hindi lang buhay mo ang magugulo, madadamay lahat pati na ang negosyong ipinundar ko." Sabi ni Daddy.

Ayaw niyang mainvolve ako dahil ayaw niyang madungisan ang ipinundar niyang negosyo. How cruel!

" As long as walang magsasalitang traydor, hindi madudungisan ang pangalan mo dad." Sabi ko sabay tingin kay tita selena.

Nanlaki ang mata nito ng makita niya na nakatingin ako sa kanya.

" Aba! Anong palagay mo sa akin? Tsismosa?!" Anya.

" Ikaw na ang nagsabi." Sabi ko saka na tumalikod.

Nagtatalak si Tita Selena pero wala na akong oras para pakinggan pa ang mga sasabihin niya. Pagpasok ko sa kuwarto ko ay wala pa doon si Jacob. Naglinis muna ako ng katawan pagkatapos ay binuksan ko ang t.v. Saktong balita yon tungkol kay Jacob.

" Totoo ba na dahil kay Mylene Roxas kaya ka nagpakalasing?" Tanong ng isang reporter.

Humarang ang manager ni Jacob sa mga reporter.

" He can't answer you right now." Anito.

" Kung hindi naman totoo ang issue bakit ayaw niyang magsalita?" Tanong ng isang reporter.

Hinarangan na ng mga bodyguards ang mga reporter hanggang sa makasakay si Jacob sa sasakyan. Bakit ayaw niyang magsalita? Bumukas ang pinto at pumasok si Jacob. Tumayo ako at hinarap siya.

" Why don't you tell them the real reason kung bakit nasa bar ka kagabi at nagpakalasing? Is it about that woman?" Tanong ko.

" Pati ba naman ikaw? Maghapon ko ng tinaguan ang mga reporters dahil sa walang tigil na tanong nila tapos pag uwi ko tatanungin mo pa rin ako?" Anya na mukhang pagod na pagod.

" Isang sagot mo lang Jacob at titigilan ka na nila! Sa pag iwas mo sa issue mas pinapatunayan mong dahil nga sa babaeng yon kaya ka nagpakalasing." Dagdag ko.

I dont care if i look like a nagging wife right now. Tumingin siya sa akin.

" Stop it, my love. Pareho tayong pagod kaya kailangan na nating magpahinga." Anya.

" Umiiwas ka lang sa tanong ko Jacob! Kung mahal mo pala siya bakit hindi mo ipinaglaban? Bakit mas pinili mo ang pakikipag kasundo sa Daddy ko!" Galit na ako.

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon