Isang linggo ang matulin na lumipas buhat ng matulog kami kina mommy. Busy na ako ngayon. Si Daddy din ay busy sa pag iimbestiga sa Hotel sa Antipolo na hinahawakan ni Tita Selena. Nasa hotel kami ni Erin dahil pinatawag kami ni Daddy doon." Kailangan kong magpunta ng Cebu. Doon itinuturo ang imbestigasyon tungkol sa anumalya ng hotel natin sa Antipolo."
"Dad bakit kailangan mo pang magpunta doon? Let the private investigator do that job." Sabi ko.
Umayon naman sa akin si Erin. "Tama si Ate dad. Baka mamaya mapano pa kayo doon."
Inayos ni Daddy ang atache case niya. "Mas maganda kung ako mismo ang makaalam ng totoo. This past few years, walang magandang nangyari sa mga hotel natin. Puro na lang pagnanakaw ang mga nangyayari."
Tama si Dad. Malaki na rin ang nawala pero kahit paano nabawi din naman ulit.
" Kung may mangyari mang masama sa akin hindi na nila magagalaw ang pera ng mga hotel na ipinundar ko."
Nagulat kami ng bigla kaming niyakap ni Dad at hinalikan sa noo. Parang may nararamdaman akong kakaiba. Naglakad si Dad palabas ng pinto, pero bago siya makalabas ay nilingon niya kami. At sa unang pagkakataon nakita ko siyang ngumiti ng buong pagmamahal sa amin.
" I love you both. Tell also your mom that i love her."
Lumabas na ng tuluyan si Daddy. Tumakbo ako at sinundan si Daddy.
" Dad!"
Pero sumara na ang elevator. Nagmamadali akong pinindot ang elevator pero pataas na ito. Nagmadali akong umakyat sa hagdan papunta sa roof top ng hotel kung nasaan ang helipad at nandoon ang helicopter na sasakyan ni Daddy.
" Ate! Ate!"
Narinig ko si Erin. Sumunod siya sa akin paakyat. Pagdating sa rooftop ay nakita ko si Daddy naglalakad.
" Daddy!"
Maingay ang helicopter kaya imposibleng marinig niya ako. Tumakbo na lang ako. Nakita ako ng bodyguard ni Daddy kaya sinabi nito kay dad. Huminto si Daddy at lumingon sa akin.
"What Eunice?"
Hindi ko alam pero bigla na lang akong yumakap kay Daddy.
"I just want to say I love you too."
" I know. Take care yourself and your sister."
Sabi niya saka na ito sumakay sa helicopter. Lumayo ako sa helicopter. Unti unti na itong umangat sa ere.
" Bye Dad!" Si Erin.
Nakalayo na ang helicopter pero nanatili akong nakatingin doon. Parang may mali.
"Ate, bakit?"
I looked at Erin. "I feel something weird. Kinakabahan ako."
" Sana naman walang masamang mangyari kay Daddy."
Muli kong tiningnan ang helicopter pero malayo na ito. Sana naman ay walang mangyari kay Daddy.
Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay hindi nawala ang kaba ko sa dibdib.
" Yaya, pinakain nyo na ba si Snowy?" Tanong ko kay Yaya.
" Oo kanina."
Uupo sana ako sa sofa sa sala ng bigla na lang nalaglag ang litrato ni Daddy na nakasabit sa pader, basag ang salamin nito. Napalabas galing kusina si Erin.
"What happened?!"
Dinagundong ako ng kaba sa dibdib. Kabang hindi ko maipaliwanag. Napako ako sa kinatatayuan ko. Bigla kong narinig ang hagulgol ni Tita Selena. Nagmamadali itong bumaba sa hagdan at lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...