Your Maid 1

8K 102 1
                                    

Farewell.

"Ate sigurado ka na ba sa desisyon mo? Pangako, mas iigihan ko pa ang pagkakayod wag ka lang umalis ate. Pakiusap.." Pagmamakaawa ng nakababata kong kapatid na si popoy habang umiiyak. 10 years old palang siya pero nagbabanat na siya ng buto para makatulong kay inay at itay.

Si inay ay may diabetes kaya ayaw namin siya pagtrabahuhin. Si itay naman ay isang tricycle driver pero di yun sapat para sa pang araw araw na pangangailangan namin.

Ako naman naglalabandera kahit saang bahay. Minsan ako rin taga alaga ng mga bata o baby sitter kung tawagin. Lahat lahat ng pwedeng i-sideline pinapasok ko para lang makatulong kay itay at makabili ng sapat na gamot ni inay.

Tumutulong rin si popoy, nangangalakal ng mga bote at dinadala sa junk shop ngunit kahit anong kayod namin ay di parin iyon sapat para saming pamilya.

Pinahid ko ang luhang tumutulo galing sa mata ko habang nag iimpake ng mga gamit. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon, kailangan ako nila inay para makatulong dahil lumalala ang sakit niya dahil di namin mabili ang mga gamot na kailangan niya.

Kailangan ko 'to para na rin makapag aral na si popoy at diday at magkaroon sila ng kagamitan para sa iskwelahan. Huminto si popoy ng 2 taon na dapat sanang nasa ika-apat na baitang na siya, kaya kailangan niya nang pumasok at ako ang tutupad niyon sa kanila. Si diday naman ay mag iisang baitang na pagkatapos ngayong buwang bakasyon.

Lumuhod ako sa harap ni popoy at mataman siyang tinignan. "Popoy, kailangan ito gawin ni ate para sainyo. Alagaan mo ang nakababata mong kapatid at si inay ha? Mag iingat kayo palagi ni itay. Ipangako mo iyan kay ate para masaya ako kahit na nasa malayo ako. Balang araw, maiintindihan mo rin ang desisyon ng ate." ngumiti ako kay popoy at niyakap siya habang patuloy na umaagos ang luha ko.

Mamimiss ko ang pamilya ko ngunit kailangan kong gawin ito para sa kanila.

"O-Opo ate lalay pangako po." Nginitian ko siya at ginulo ang buhok bago ako tumayo, handa na rin mga damit ko paalis.

Paglabas ko ng kwarto ay nandoon sa may sala si itay at diday. Hindi muna nagpasada si itay ngayon dahil alam kong pipigilan niya ako.. pero buo na ang desisyon ko para gawin ito.

"Lalay anak, hindi ka na ba papapigil diyan? Kaya naman natin ito eh." umiiyak si itay kaya napaiyak nanaman ulit ako at niyakap siya.

"Itay, okay lang po ako huwag niyo po ako intindihin. Isipin nalang po natin si inay ha? Mag iingat po kayo palagi" ngumiti ako sakanya at niyakap siyang muli..

Mahal na mahal ko ang pamilya ko kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila.

"Ate lalay, ikaw po mag iingat lagi sa korea po ha?"

Tumango ako at napayakap ng mahigpit sa bunso naming kapatid na si diday.

Pupunta akong south korea para sa trabahong may malaking sahod para sa pamilya ko. Noong isang linggo kasi ay may job fair sa plaza nang napadaan kami ni popoy doon.

Agad agaran naman akong nagtanong tanong ngunit lahat sila ay nangangailangan ng resumé o biodata. Halos mawalan na ako ng pag-asa ngunit may isang lalakeng maputing singkit na nakapormal na damit na sa tingin ko'y isa sa mga nakikipanayam sa mga kliyente. Nakita kong papalapit siya sa akin.

"Miss, nangangailangan ka rin ba ng trabaho?" Sabi ng lalake.

Nagkatinginan kami ni popoy at agad akong tumango. "O-Opo kahit anong klaseng trabaho po ay papasukan ko ngunit wala akong dalang resumé dahil kami'y napadaan lamang. Wala po kasi akong nabalitaan noong nakaraang araw na may job fair pala rito." Malungkot kong sagot.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon