Your Maid 20

2K 63 0
                                    

Sorry guys napatagal, marami lang ginagawa. Maraming salamat sa pagbabasa!

____________________________________

Saved.

"Layla, are you ready?" Tanong ni Joon sa akin saka siya tumingin habang nakasabit sa braso niya ang kamay ko, ramdam ko rin ang kaba niya dahil dito.

Tumingin lang ako sa kaniya at nagbigay ng isang tango para sabihing handa na ako.

Hindi ko alam kung kakabahan ba ako ngayon o matatakot. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko dahil sa pupuntahan naming kasal ng pinsan ni Joon.

Pero kasi hindi ko hahayaang mag-isa doon si Joon, hindi bilang isang katulong at trabaho ito kundi bilang isang kaibigan niya. Paano kung galit parin ang parents ni Joon sa kaniya? Sino kakampi niya roon? Diba wala, kaya nandito ako hindi ko siya iiwan na mag-isa, nag aalala rin ako sa mangyayari pero kung kayang lusotan ang problemang ito gagawin ko.

Kasalukuyan kaming nag aabang ng taxi dito sa harap ng bahay. Naka tuxedo si Joon ngayon na nagpaganda sa tindig niya, fitted ito sa kaniya at ang buhok niya ay naka brush up. Ayoko na mag explain pero in short sobrang gwapo niya ngayon.

Ako naman naka dress na puti lang at naglagay ng necklace, singsing, hikaw at bracelet na pilak para magmukhang pormal. Ayaw ko man ay naglagay rin ako ng full make-up sa mukha pero light lang. Nakakatuwa kasi maayos ko nagawa ang make up malaking tulong talaga ang mannequin na iyon habang ang buhok ko ay nakalugay lang at tinirintas malapit sa noo ko para magmukha itong headband.

Medyo di rin ako kumportable bukod sa nakadress ako at nakikita ang kili kili ay nakaheels din ako, ito lang kasi yung bumagay sa dress kaya no choice, pointed pa ito at sa tingin ko ay naka 3inch ako bagay na bumagay kami ni Joon sa height dahil kahit papaano at tumaas naman ako, tangkad kasi ng koreanong ito.

Maya maya pa ay dumating na ang taxi, binuksan pa ni Joon ang likod na pintuan ng sasakyan para sa akin bagay na ikinatuwa ko, kung tutuusin boyfriend material na itong amo ko. Bukod sa gwapo ay matalino, magaling sa instrumento, gumawa ng kanta at napakabait pa. Kung sino man ang magiging asawa ni Joon sa hinaharap ay napakaswerte niya.

Sumakay na kami magkatabi tsaka sinabi ni Joon ang address. Habang nasa daan ay tahimik lang kami ni Joon, hindi dahil awkward kundi dahil ramdam ko ang kaba niya. Kinakabahan rin ako pero hangga't maaari ay ko-kontrolin ko ang emosyon ko. Sana lang ay maayos ko makausap ang parents ni Joon.

Sumulyap ako ng pasikreto kay Joon at nakita ko siyang nakadungaw lang sa bintana habang nakapalumbaba, hinawakan ko ang kamay niya na nasa pagitan namin tsaka siya napatingin sa akin.

"We can do this, I'll help you" ngumiti ako sa kaniya para i-assure na matutulungan ko siya.

"Thank you, Layla" Ngumiti din siya sa akin pabalik ngunit hindi ito umabot sa mata niya tsaka hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa isang kamay niya.

Nagkaroon lang kami ng konting diskusyon at tinuruan niya ako ng kultura nila pag seremonya ng kasal. Mahalaga din na batiin ang mga tao doon sa pamamagitan ng pag yuko o bow tulad ng ginagawa namin sa bahay. Simbolo daw iyon ng pagbati o paggalang sa isa't-isa.

May pagbigay pa raw ng pera sa ikakasal para sa mga guest, nahiya tuloy ako dahil doon. Wala naman kasi ako dalang pera ngayon barya nalang ang nasa wallet ko. Pero sabi ni Joon ay bisita niya daw ako hindi ang wedding tsaka relative niya naman daw iyon kaya okay lang na wala.

Maya maya pa ay huminto na ang taxi. Dali dali naman umalis si Joon at binuksan ang pinto sa may gawi ko tsaka nilahad ang palad niya. Kinuha ko naman iyon tsaka kami sabay na naglakad, kumapit ako sa braso niya dahil sabi niya kahit nahihiya ako.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon