Your Maid 44

1.7K 52 3
                                    

Making things clear.

Wala na akong nagawa kundi manahimik nalang. Kung magwawala pa ako ay magsasayang lang ako ng lakas dahil ubos na ang energy ko, napagod ako sa work.

Tahimik lang rin naman si min. Walang nagbabalak magsalita saming dalawa, wala ring music kaya tanging makina lang ng sasakyan ang nagbibigay ingay.

Nakatulala lamang ako sa labas ng windshield ng sasakyan. Bigla nalang akong naghikab sa pagod at antok.

"Sleep." Napatingin ako kay min nang magsalita siya.

Hindi niya ako sinulyapan pero mukhang alam niyang humikab ako kahit na patago naman iyon.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Sambit ko habang nakapikit. Naduduling na kasi ako sa antok.

"Just sleep. You'll see later." Yan ang huling katagang narinig ko bago ako tuluyang naka-idlip.

"Baby.." Narinig kong may bumulong sa akin.

I mumbled in irritation and changed my position.

But then I felt someone poked me on my cheek. Napadilat ako sa inis, I'm still sleepy!

"I'm sorry for waking you up, baby. We're here." Sambit ng katabi ko.

Napakusot ako ng aking mata dahil nanlalabo pa ito. Napapikit pikit ako hanggang sa makita ko ang malapit na mukha ni min sa mukha ko. He was smiling at me.

Gamit ang palad ko ay tinulak ko ang mukha niya palayo sa akin. Napakamot naman ng ulo si min habang ako ay busy sa pagtingin sa paligid.

Gabi na rin at hindi ko alam kung nasaan kami. Tanging mga ilaw nalang ng street lights sa labas.

"Where are we?" Tanong ko. My eyebrow arched when he just shrugged.

"Where exactly did you take me, mr. lee?" Ulit ko.

Nasaan ba kami? Bakit sobrang dilim naman dito?

Hindi siya nagsalita, bagkus ay lumabas siya ng sasakyan. Akala ko ay iiwan niya ako ngunit umikot siya papunta sa akin at pinagbuksan ako ng pinto.

Nakangiti siyang nakalahad ang kamay sa akin na animo'y isa akong prinsesa.

Kung sakaling ngayon ay naniniwala parin ako sa pantasya, iisipin kong isa akong prinsesa at prinsipe ko si min. Gentleman siya at handang protektahan ako.

But now? Nah. We're on the reality where he chose her girlfriend and it shuttered my heart into pieces.

"Let's go?" Masayang wika niya.

Umirao ako saka humalukipkip akong umalis ng sasakyan at hindi pinansin ang kamay niya. Ano akala niya, pagkatapos niya akong lokohin na may problema sa project at isama dito ay aasahan niyang magkakasundo kami? Mas gusto ko pa sumama sa hindi ko kilala kaysa makasama siya. Hindi nadadala ng gwapo niyang mukha ang isang taong winasak niya.

Nagsimula na akong magmartsa para hindi ko makasabay sa paglalakad si min dahil naiinis parin ako dahil napunta ako sa lugar na ito imbis na magpapahinga nalang sana sa bahay. Take note, 'yung kinaiinisan ko pa ang kasama ko, funny life.

Kaysa magwala sa inis ay sinave ko nalang ang lakas ko para maglakad. Hindi naman pwedeng magwala ako dito mismo dahil sa pang kikidnapp sa akin ng koreanong ito, mamaya pa ay mapagkamalan akong baliw. Wala rin namang tao sa paligid kaya bakit pa ako magsasayang ng lakas.

Napatingin ako sa paligid. Malamig ang simoy ng hangin at tahimik. Ngunit maraming taniman ng mais, pinya at iba't-ibang gulay. Bakit parang pamilyar ito?

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon