Your Maid 46

1.8K 53 6
                                    

Every step, heart will break.

"C'mon, make me." Asar na saad ni andrew at binitawan niya ako na parang handang makipagsuntukan ngayon.

Napakunot ang aking noo at nakaramdam ng biglaang pagkulo ang aking dugo.

"What do you think you're doing?!" Hindi ko mapigilang hindi sumigaw sa inis.

Thankfully, walang nakakarinig dahil sa lakas ng sounds. Dahil ngayon palang ay hindi ko na mapigilan ang iritasyon.

"Sinusubukan niya ako eh, noong nakaraan pa ako nagtitimpi. Ngayon tumabi ka diyan." Utos ni andrew sa akin saka dumungaw kay min na nasa likod ko lang. "And you, come here you fucker!" Maangas na hamon nito kay min.

Napatingin ako kay min at nakatingin rin siya sa akin. Umiling ako sa kaniya para pigilan sa balak nilang gawin. Kahit na mukhang handa siyang makipagsuntukan kay andrew ay patuloy ako sa pagpigil. Maya maya rin ay humingang malalim siya, yumuko siya saka pinisil ng marahan ang aking kamay.

Agad akong humarap kay andrew. I think I just lost my temper, dahil naghahamon pa talaga siya ng away!

"Hindi ka ba nag iisip? Dito ka pa gagawa ng gulo sa event ko?!" Sigaw ko sa galit. Nanginginig ako habang nakakuyom ang aking kamao.

"Hah!" Aniya saka umiwas ng tingin na agad niyang ibinalik sa akin. "Dahil lang magkaaway tayo, ano, kakampi ka na sa koreanong yan?" Dinuro duro niya si min.

"Tandaan mo layla, ako 'yung nandyan para sayo noong mga panahong ginago ka niyan! Tapos ngayon siya ang kakampihan mo?" Napahilamos siya ng mukha. Ramdam ko rin ang frustration sa kaniya.

Napapikit nalang ako sa inis. "Wala akong kinakampihan dito. Ayoko lang ng gulo!" Sigaw ko dahil maingay na talaga ang crowd.

Umiling siya at tumawa ng sarkastiko, para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Tinignan ko siya ng pagod.

"Andrew, please kung manggugulo ka huwag ngayon. Huwag mong guluhin ang pinaghirapan ko pakiusap."

Napatingin siya sa akin at mukha naman siyang natauhan dahil nawala ang pagdikit ng kaniyang kilay.

"L-Look, I'm sorry. I.. I just want to talk to you."

"Para saan? Sa panloloko mo?"

"No, we really need to talk, tayong dalawa lang. Just.. please let me." He said.

Para siyang kinakapos ng hininga dahil hindi ko pinlanong kausapin siya ngayon. Pero anong gagawin ko? Tatakas nanaman?

Hindi na, nakakapagod tumakas sa sitwasyon, napakabigat sa dibdib, ang hirap ikimkim.

Napahingang malalim ako at humarap kay min.

"Leave us alone for a moment." Pakiusap ko.

Tumingin siya sa akin at kay andrew saka binalik muli sa akin ang tingin. Umiling siya sa akin.

"But--"

"Please." He sighed in defeat and nodded anyway.

"I'll see you around." Tumango lamang ako sa sinabi niya.

Nauna nang tumalikod si min at naglakad. Tumingin muli siya akin, tinanguan ko siya saka siya tuluyang umalis.

Humarap ako kay andrew at nilampasan siya. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin papunta sa fire exit kung saan walang taong dumaraan at malayo sa crowd.

Pagkasara ko ng pinto ay agad ko iyon nilock, baka kasi may dumaan at makita kami rito nag uusap. Pagkasara ko ay ay saka ko siya hinarap. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon