Your Maid 41

1.8K 51 2
                                    

Made up my mind.

Naalala ko dati noong nagta-trabaho ako kay goo jo, para akong tanga dahil kada photo shoot ni goo jo ay umaasa akong baka nandoon rin ang bang boys dahil alam kong may photo shoot rin sila, kalat kasi pictures nila sa billboard ng seoul, kahit iyong tv na nasa building. Umasa ako na kahit isang beses ay magku-krus ang landas namin.

Sinabi ko sa sarili ko na hahanapin ako ni min, pinanghawakan ko ang katangahan kong iyon. Umasa parin ako sa sinabi ni steven, nagbaka sakali at nagdasal ako.

Pero walang nangyari.

Nag sorry nalang sa akin si steven matapos ang isang taong paninilbihan ko kay goo jo. Dahil nakita niya kung paano ako naghirap at nasaktan ng sobra sobra, iyong tipong bigla nalang tutulo ang luha ko sa sakit ng nararamdaman ko kakaasa sa wala.

Hindi ako galit sa kaniya. Galit ako sa sarili ko dahil alam kong ako na 'yung pinangakuan at niloko pero umaasa parin ako.

Hindi ko akalain na aabot ako sa pinakamababang uri ko bilang tao para lang sa walang kabuluhang bagay, sa walang ka-kwenta kwentang pag-ibig. Sa pag ibig na napupuno ng kasinungalingan.

Kung dati ay ilang beses ako nagdadasal sa panginoon na sana ay puntahan niya ako at ipaliwanag sa akin ang lahat, na kung anumang dahilan niya ay tatanggapin at paniniwalaan ko, ngayon ay nandirito siya sa harap ko kahit hindi ako umiyak at magmakaawa sa diyos.

Ngayon pa kung kailan wala na akong pakialam, dahil mas hinihiling ko nalang na sana mawala na siya sa paningin ko ngayon.

Nakakairita. Lalo na't nakangiti siya sa akin papalapit para umupo, pagkatapos ng lahat ng nangyari noon, parang walang nangyari. Pero hindi ako bitter ng sobra hindi tulad dati, I can control my feelings more this time.

Ngunit hindi ko maiwasang mainis. Bakit naman sa dami daming tao, siya pa?

"Mr. Lee, what are we gonna talk about? I heard this is urgent." I asked in a serious tone saka humalukipkip.

He sat on the swivel chair beside me saka iyon hinarap sa akin. He's still smiling while looking straight in my eyes.

O-kay? Kailangan magkaharapan? Ano 'to, one on one interview? Mag a-apply ba ako tapos siya 'yung HR?

Hindi ko napigilang mapakunot ang noo. I am waiting for his answer but few seconds already passed, hindi parin siya sumasagot. Para lang siyang tanga na nakangiti sa akin.

This is awkward and uncomfortable.

I cleared my throat, akala ko ay matatauhan siya ngunit hindi. Ganoon parin siya, still staring and smiling like a doll. A handso--- nevermind.

"Mr. Lee?" Pag uulit ko. Mas lalo siyang ngumiti na mas nagpairita sa akin.

Naghihintay ako ng sasabihin niya. Pero wala parin akong nakuhang salita mula sa kaniya. I am so conscious about my face, may mali ba?

Naghintay ako ng sasabihin niya pero para kaming tanga dito, hindi parin siya nagsasalita at ako naman ay hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

After a few minutes of waiting, I closed my eyes, finally stood up and ready to leave. This is nonsense.

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko.

Napatingin ako sa kaniya pero nakatingin parin siya ng diretso kung saan niya ako tinititigan kanina. Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"I'm sorry, but I still have a lot of paper works to do. If you're not going to talk then I will leave---"

"Yeah leaving, That's where you're good at." Tumingin siya sa mga mata ko pagkatapos niya sambitin iyon.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon