Home.
"Ate, sino yung kasama mo? Boyfriend mo?" Bungad na tanong sa akin ni popoy nang makauwi kami sa bahay.
Nginusuan pa ni popoy ang direksyon ni Min na kakarating lang. Tinignan ko ulit si popoy at nginitian.
"Hindi, isa siya sa amo ko. Hindi siya pwede makita dito popoy." Sagot ko tsaka ako umupo sa sofa naming gawa sa kawayan.
Binuksan naman ni inay ang electric fan at itinapat kay Min na nakaupo rin sa upuan na gawa rin sa kawayan. Pinaupo ko naman si popoy sa tabi ko.
"Ah, kaya po pala ang pogi niya at ang kinis pa ng kutis. Kamukha niya po isang kpop idol na nakikita ko sa classmates ko. Pero bakit po pala? May kasalanan ba siya kaya nagtatago siya dito sa pinas?" Tumatango tango si popoy na parang inaalala niya ang sinasabi niyang napanood niyang kpop habang naglilipat ang tingin niya sa akin at kay Min.
Napatingin ako kay Min na nakatingin din pala sa amin habang nakakunot ang noo na parang sinasabing 'ano pinag uusapan ninyo?'. Tinalikuran ko si Min at humarap kay popoy habang pinanlalakihan siya ng mata.
"Popoy, isa siya sa bang boys na s byikat na kpop sa korea. Hindi ko alam na sila ang amo ko, huwag mo ipagkakalat ha? Ayoko maissue siya dito at pagkaguluhan siya, di ko man gusto isama siya kaso yung manager nila na kumuha sakin sa plaza noon ang nag utos na isama siya dito. Kasi kung di siya kasama, hindi ako makakauwi dito. Wala siyang kasalanan, nagtatago siya dahil kailangan." Paliwanag ko sa kapatid ko.
"Hala siya nga iyon ate. Ang pogi niya pala lalo sa personal, nakita ko po siya sa selpon ng kaklase ko, ang galing niya po sumayaw ate tsaka ang lakas ng dating." Hindi makapaniwala si popoy habang kinekwento niya iyon.
"Ayun nga, kaya delikado na may makakilala sa kaniya." Napalingon ako kay Min na nakakunot parin ang noo. Napalingon ulit ako kay popoy nang magsalita siya.
"Opo tutulungan ko kayo pagtakpan siya. Wag ka mag-alala ate." Nag thumbs up sakin ang kapatid ko kaya natawa ako at niyakap siya. Bukod sa ang cute niya eh nakakamiss ang kapatid kong ito, sobra.
"Hi po!" Magiliw na bati ni diday kay Min kaya naman napalingon ako sa kanila. Lumapit si diday kay Min habang may hawak na lollipop.
"Hello baby girl" sagot naman ni Min tsaka binuhat si diday at pinaupo sa kandungan niya.
"Gusto mo po, kuya?" Inilahad ni diday ang ilang lollipop niya kay Min habang nakangiti.
Umiling lang si Min bilang tugon. Itinago nalang ni diday ang lollipops niya sa bulsa niya.
"How old are you?" Tanong ni Min kay bunso.
Ipinakita naman ni diday ang daliri niya na nagpapakita ng 7. Naglabas naman si Min ng tsokolate sa bulsa niya at binigay iyon kay diday kaya napatingin din sa kanya si popoy at lumapit kay Min.
"Huy popoy, diday. Huwag kayo manghingi, nakakahiya sa kaniya!" Sabi ko sa dalawa kong kapatid na tuwang tuwang nilalantakan ang tsokolate na bigay ni Min.
Tumingin sa akin si Min tsaka ngumiti dahilan para mapatigil ako.
"It's okay, don't worry." Sagot niya na parang naiintindihan niya ang sinasabi ko.
Tumayo nalang ako at iniwan sila doon, bago palang ay close na sila. Samantalang noong unang kita niya sa akin urat na urat ang itsura niya, siguro mahilig siya sa bata kahit anong suplado niya.
Dumiretso na ako ng kusina para uminom ng tubig. Naabutan ko doon si Inay na nililinis ang isdang dala niya kanina na ipiprito niya.
Niyakap ko si inay mula sa likod niya tsaka pinatong ko ang baba ko sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...