Mess.
Napabalikwas nalang ako sa paghiga nang magring ang alarm ko. Pinatay ko iyon at ginawa ang mga rasyon ko, bumaba na ako tsaka nagluto ng breakfast at nagprepare.
Alam kong galit parin sila sa akin, sino ba naman tanga gusto akong patawarin sa katangahan ko. Wala naman diba? Kaya naiintindihan ko iyon.
Naglinis na rin ako sa bawat sulok ng bahay. Pagkatapos ko ilagay sa tamang lalagyanan ang mga panlinis ay naabutan ko naman si Yoong, Hob, Jin na kumakain sa sala ng kung ano ano. Nagbabatuhan sila ng unan habang kumakain at tumatawa, dumumi ulit ang carpet na kalilinis ko lang kanina.
Tatalikod na sana ako para kunin ang vacuum kaso nabunggo ko si Tae na may hawak na baso ng juice. Natapon sa damit kong pula at puting uniporme ang orange juice. Katangahan ko nanaman ito, natapon tuloy ang juice niya.
Narinig ko naman napa- "ow.." sila Jin.
"S-sorry" saad ko naman habang nakayuko.Napatingin ako kay Tae na hindi naman mukhang nagalit pero nakangisi siya at sinabing "Oops! Gamsa~." May halong kalokohan ang boses na mukha namang sinadya niya.
Narinig ko rin ang hagikhikan nila Hob, Jin at Yoong. Hindi pa nakuntento si Tae at ibinuhos ang natirang Juice sa ulo ko. Napapikit ako habang naligo sa malagkit at malamig na juice.
Gustuhin ko mang magalit at hindi ko ginawa. Sila ang amo ko, ang pinagsisilbihan ko at ako ang katulong.
Oo nga katulong lang ako dito.
Tama ka Min, I'm a fool dreamer, a dumb maid nothing more nothing less.
"Oopps again! Gamsahamnida~." Yumuko pa siya habang nakatingin sa akin. Kinuha ko na ang baso na hawak niya tsaka ngumiti sa kaniya. Sincere na ngiti dahil naiintindihan ko siya kahit naman siguro ako ganun ang gagawin ko.
"It's okay." Salitang huling sinambit ko bago ako nagpunta ng kusina.
Iniwan ko muna iyon tsaka umakyat. Nakasalubong ko pa si Min na pababa ng hagdanan narinig ko pa na sinabi niya ang katagang "Stupid." Nang malagpasan ako na nagpatigil sa akin sa pag akyat. Alam kong ako iyon dahil ako lang naman kausap niya at stupid nga ako dahil dinadala ko sila sa kapahamakan.
"I know, you don't need to say that." Tsaka ako mabilis na umakyat. Nadaanan ko pa si Jeon at Joon na kalalabas lang ng kwarto.
Para namang natauhan sila sa itsura ko at mukhang nag aalala, lalapit na sana sila pero sumenyas nalang ako na okay lang ako at ngumiti saka dumiretso sa kwarto.
Pagkalock ko ng kwarto ay napasandal nalang ako sa pintuan habang dumausdos sa sahig at hawak hawak ang bibig para mapigilan ang paghikbi. Nag uunahan ang luha ko sa pagpatak, ang sakit.
Ang sakit din pala na matauhan sa katangahan, akala ko kasi kaibigan na ang turing nila sa akin o tropa. Pero sinampal ako ng katotohanan na muchacha lang ako dito at pinagsisilbihan sila, sila na amo ko.
Napakabobo ko para masanay sa isang bagay na hindi naman totoo. Ang sakit lang talaga sa parte ko. Mas maganda pala talaga na matutunan mo ang katotohanan kahit masakit kaysa panghawakan ang ideya na masaya ka lang kahit hindi na iyon totoo.
Nang mahimasmasan ay naligo nalang ako at nagpalit ulit ng kaparehong kulay ng uniporme na iyon. Bumaba na ako para hugasan ang mga nagamit na plato at baso.
Pagkatapos ay pinunasan ko ang carpet na natapunan ng juice para hindi magmantsa, at nilinis ang buong salas na sobrang sabog. Ngayon ko lang nakitang ganoon ang salas dahil hindi naman sila madumi sa gamit tulad ng napansin ko noon, ngayon lang talaga. Hindi ko nga siguro talaga sila kilala.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...