Feelings.
"But... I was worried." Napatigil ako sa pagwawalis dahil sa sinabi niya.
Si Min? Nag aalala sakin? Bakit? Paano?
Natawa nalang ako habang umiiling sa ideyang iyon kahit alam kong hindi naman totoo.
Napatingin ako sa kaniya saka nagsalita. "You shouldn't. I'm not dead yet and I don't think I deserve to worry about even if it does. I'm just a dumb, fool and stupid maid here nothing more nothing less... Right?" Ngumiti ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Tinigasan ko ang pag ingles para ipaalala lahat ng sinabi niya sa akin.
Inirapan ako ni Min tsaka nakapamulsa. Akala ko aalis na siya pero huminto siya sa tabi ko at di ko namalayang nilapit niya ang labi niya sa tenga ko na nagpataas ng balahibo ko, naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko na nagpakiliti sa buong pagkatao ko.
Bigla rin lumakas ang tibok ng puso ko hindi ko maintindihan kung bakit bumibilis nanaman ito. Napatigil ako sa pagwawalis habang nanatiking nakayuko.
"When I said it, I mean it." Napapikit ako sa lamig at ganda ng tinig niya na nakakaakit pakinggan, napakasoft at tumatagos sa puso at kalamnan ko. Naramdaman kong hinalikan niya ang gilid ng ulo ko tsaka ako nilagpasan habang nakapamulsa.
Napatingin ako sa likod niya habang lumalayo sa akin. Ngunit kasabay ng paglakad niya palayo ay kasabay ng bilis ng tibok ng puso ko.
Ano ba talagang gusto mong ipahiwatig min? Napakahirap mong basahin, ano ba talagang intensyon mo?
Pero mas hindi ko maintindihan ang puso ko na naghuhurumentado. Napahawak nalang ako sa dibdib ko at napapikit sa bilis ng pagkabog ng puso ko.
Pagkatapos ko magwalis walis ay nagluto na ako ng hapunan. Hapon na rin kasi kami umuwi, kaya saktong alas sais nagluto na ako tapos na rin naman ako magwalis.
"Layla dapat nagpapahinga ka." Narinig kong sambit ni Rey sa tabi ko habang naghuhugas siya ng kamay at ako naman ay nasa tabi ng lababo naghihiwa ng sibuyas.
Napatingin ako sa gawi niya "Kaya ko na 'to, para rin makabayad sa bills ko sa ospital. Paunti unti mo lang sana bawasan ang sahod ko kasi ipapadala ko pa kila itay iyong pera. Pakiusap." Sambit ko habang nagpapatuloy sa paghihiwa ng sibuyas. May kalakihan ang sibuyas na iyon, white onion ata ito, di naman masakit sa mata.
"Okay, kung yan ang gusto mo. Pero sana wag mo na ulit gawin ang magpagod ng sobra, saka sa susunod mag iingat ka malapit sa pool para di ka na ulit madulas. Hindi ko naman alam na di ka marunong lumangoy." Muli akong natigilan sa paghihiwa sa sinabi ni Rey tsaka naman siya umupo sa hapag kainan.
Ano? Ako ay nadulas sa pool na iyon? Iyon ba ang pagkakaalam nila sa nangyari sa akin? Tinulak ako!Ramdam na ramdam ko ang pagtulak sa akin ni Yoong, simula sa presensiya niya palang.
Hindi ako nadulas! Hindi rin iyon aksidente, sinadya iyon.
Iyan ang lumabas sa utak ko, pero sa kabilang banda hindi ko kayang magkaroon pa ng panibagong pagtatalo ang bang boys dahil nanaman sa akin. Tama na siguro na ako ang may kasalanan ng lahat, gusto ko maging masaya ang bahay na ito.
Okay na sigurong hayaan ko nalang na palabasing aksidente iyon, hayaan ko na.
Pagkatapos gawin ang pagluluto ay umakyat na ako ng kwarto at sinara tsaka humiga. Hays! Maraming salamat kay Jeon dahil niligtas niya ang buhay ko. Kundi dahil sa kaniya baka namatay na ako, namatay dahil lang sa tubig.
Takot na ako sa tubig simula noong muntik na rin ako malunod sa dagat noong bata ako sa probinsya namin. Napalayo na pala ako ng di ko alam at bigla nalang ako nilalamon ng dagat, sumigaw ako kahit na sumakit ang lalamunan ko. Salamat naman dahil narinig ako ni itay at niligtas ang buhay ko sa dagat. Kaya simula noon di na ako nagdadagat o di ko na ginustong matuto lumangoy.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...