Facing past.
Hindi parin maalis sa isip ko ang news sa tv kagabi. Alam ko hindi na dapat ako mag isip ng iba lalo na sa mga taong matagal ko na kinalimutan.
Pero hindi ko maiwasang mapaisip, kung kumusta na ba sila pagkatapos ko umalis noon sa bahay na iyon. Lalo na si joon, siya kasi ang ka-close ko talaga sa mga lahat ng bagay. Ni hindi manlang ako nakapagpaalam sa kaniya ng pormal, sulat lang talaga.
Pero ano magagawa ko? Palagi naman silang wala sa bahay na iyon. Kung bumisita ako noon ay malamang hindi ko rin sila maaabutan, kung nandyan naman sila ay naroon rin si min. Magkikita lang kami.
Ayun ang ayoko mangyari.
"Ma'am, paalala ko lang 2 pm sa may conference room." Sambit ni kirsty pagkapasok niya dito sa office ko.
Tumango ako bilang sagot. Dami ko pa gawain, biglang sumingit naman ang sponsor na iyon, pero hindi ko ma-hindi-an kasi alam kong maganda kalalabasan after ng event.
Konting sakripisyo lang.
"Layla nalang sabi eh. Masyado kang pormal." Nagkatinginan kami saka sabay na natawa.
"Nasa work kasi tayo." Napailing ako habang nakangiti.
Napansin kong nakatayo lang siya sa harap ko. Napakunot ang aking noo at tumingin sa kaniya.
"Oh, may kailangan ka pa?" Bahagya siyang umiling habang nakangiti. Weird.
"K-Kasi ma'am---"
"Alam ko na, hihingi ka bonus." Sambit ko na ikinatawa niya lalo.
"Syempre. Magva-valentines na kaya." Umupo siya sa couch ng opisina ko saka kumagat ng apple na nasa table.
"Bakit? May jowa ka ba?" Supalpal ko sa kaniya. Alam ko kasing hopeless romantic ang isang 'to.
Tulad ko.
Noon.
"Wala. Bakit ikaw ma'am meron?" Bawi niya. Umiling lang ako bilang sagot.
"Wala rin. Pero hindi ako nanghihingi ng bonus." Pagsusungit ko. Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.
"Malamang ma'am, ikaw may ari eh. Teka nga ma'am maiba tayo, bakit alam niyo sadya ko?"
Napaikot ang mata ko. "Duh? Tagal na kitang secretary, magbobolahan pa ba tayo dito?"
"Sabi ko nga. Pero seryoso ah? Don't forget that meeting, urgent yan." Tumango naman ako.
"Fine. Basta ipaalala mo later baka malimutan ko."
"As always." Natawa ulit kami pareho.
Matagal ko na kasi talaga secretary si kirsty. Close na nga kami dahil sa aming pinagsamahan, siya rin ang parang super close friend ko dito sa trabaho kaya kapag kaming dalawa lang ay lumalabas ang ugali naming ewan.
Noong nagsisimula palang ako sa maliit na business ko, siya ang una kong empleyado. Workaholic 'yan, reyna rin ng OT kasi may pinag aaral daw siyang tatlong kapatid.
She's a good model of every employee.
"Oo nga pala, sino ba ceo ng MiLee? Girl or boy?" Tanong ko.
Curious kasi talaga ako. Kasi ang ganda ng fashion taste ng company na 'yun. Sa totoo lang ay mahilig ako bumili sa store nila sa pinaka-malapit na mall dito kapag rest day ko gumagala ako doon, plus yung telang ginagamit nila is not ordinary at mas lalong hindi manipis. Sa iba kasi ay hindi ko talaga mahanap ang tipo kong mga outfit, ibang iba talaga ang MiLee.
"Hindi sinabi. But expect it, it's a foreigner at ayon kay sir andrew singkit daw 'yung secretary."
"Gusto mo ireto kita para may ka-valentines ka na?" Bigla kong sambit. Natawa naman siya at kumagat ulit ng apple.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...