When the heart speaks.
Alam ko naman noong una palang na hindi magiging madali ang buhay ko dito sa south korea, ngunit una kong iniisip na kailangan kong kumayod ng mas malaki at kumita para sa pamilya ko. Para maiahon kami sa pagkakalubog sa mga utang, para rin mabili ang mga pangangailangan nila sa pang araw-araw.
Ngunit hindi ko inaasahan na ibang paghihirap ang dadanasin ko, dito ko pa pala mararanasang umibig at masaktan. Dito sa pamamahay ng pinakasikat na grupo na hindi ko naman kilala noong una.
Noong una ay hindi ako makapaniwala na magagawa iyon sa akin ni min. Magagawa niya akong saktan at paglaruan ng ganito, ngunit naiintindihan ko na masama nga ako para kay jeon at sa career nila. Pinoprotektahan niya lamang ang kaniyang mga ka-grupo mula sa kapahamakan.
Ngunit ngayon ay tanggap ko na. Hindi ko siya masisisi, siguro kung ako ang nasa posisyon niya ay ganiyon din ang aking gagawin, papaalisin ko rin ang taong sumisira sa kanila. Ngunit hindi sa paraang naisip ni min, kasi masyado itong masakit eh.
Pero ngayon, huwag siyang mag alala dahil tanggap ko na.
Tanggap ko na ang lahat at masyado akong nag i-ilusyon na totoo lahat ng iyon. Nag i-ilusyon lamang ako sa paraang kung paano niya sabihin iyon sa akin, sa mga titig niya at sa mga kilos niya na akala ko ay totoo. Ang galing niya doon, naniwala ako at umasa ng hindi ko namamalayan.
Kasalanan ko rin naman siguro talaga ito. Wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko.
Pinunasan ko ang luhang lumalandas sa aking mata. Hindi parin kasi ito tumitigil, hindi ko alam kung wala bang kapaguran ito o normal na tutulo nalang ito basta basta dahil sa sanay na ito. Ang kirot ng puso ko ay hindi parin tumitigil. Masakit parin ito sa tuwing inaalala ko ang mga alaala ko sa pamamahay na ito.
Kay rey, jin, yoong, hob, joon, tae, jeon at min. Lahat ng magagandang alaala na pinagsaluhan namin dito. Mga kulitan, alitan, pagpapakumbaba, pagpapatawad, at ang buhay pag-ibig ko na sobrang hirap makamit. Ako iyong talo dito, pero hinding hindi ko kayang magalit sa ginawa ni min sa akin kaya naiinis ako sa aking sarili.
Itinupi ko na ang huling damit na dala ko saka ito nilagay sa loob at isinara. Umikot ako sa aking naging panandaliang kwarto habang sinisigurado na wala nang matitirang gamit dito. Nang nasiguro kong wala nang natira na orihinal kong gamit at saka ko ipinuwesto ang aking mga maleta sa gilid ng pinto.
Napahingang malalim ako habang hinahanda ko na ang aking mga maleta, hindi ito madali sa akin dahil para ito sa pamilya ko ngunit hindi ko na kayang may madamay pa dahil sa akin. Ayoko maging makasarili, ayoko na ako pa maging dahilan ng pagbagsak nila.
Inabot ako ng ilang minutong pagpupunas ng aking luha. Pagkatapos mahimasmasan ay bumaba na ako at nagluto ng almusal ni jeon at min. Silang dalawa lang pala ang nakauwi, hindi ko alam kung bakit at hindi ko na balak pang alamin iyon dahil may pagkakataon talagang ganoon na may nagbabakasyon sa isa sa kanila, noong nakaraan si tae eh. Pero sa lahat ang hindi ko nakakasama ay si rey, siya ang pinakamaraming pinagkakaabalahan.
Narinig ko naman maya maya na bumaba ang dalawa at umupo sa may lamesa habang ako ay nagsasalin ng ihahain.
Nakatalikod ako sa kanila habang naghahain. Sumilip ako kaunti at nakita nagkakatitigan at nagsusukatan sila ng tingin. Simula nang akalain ni jeon na may relasyon kami ni min ay naging tahimik na siya. Hindi na siya makulit tulad ng dati at isip bata, simula rin niyon ay hindi ko pa sila nakikitang nag uusap dito sa bahay. Hindi ko lang alam kung sa trabaho ay ganoon parin sila.
Naging ganito lang simula nang nandito ako sa pamamahay na ito.
Napabuntong hininga na lamang ako, mukhang tama si hyun-ae sa mga sinasabi niya na ako lang problema dito. Ako lang ang sisira ng pagkakaibigan at career ng mga taong nandirito na walang ibang ginawa kundi ay tratuhin lang naman ako ng maayos at ituring na parang pamilya.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...