Your Maid 18

2K 60 0
                                    

Message.

"Good morning, Joon! Time for breakfast!" Masayang bati ko kay Joon habang inaayos ang agahan niya.

"Good morning too, Layla. Let's eat, I can't eat alone." Saad naman ni Joon. Tumango nalang ako at umupo rin.

Tatlong araw nang nakalipas nang magpanggap na boyfriend ko si Min. Tatlong araw na rin ako nagtitiis hindi pansinin ang text at tawag niya. Madalas naka flight mode ang phone ko at tatanggalin ko lang iyon kapag gusto ko makausap ang pamilya ko.

Pagkatapos kasi nang isigaw ko iyon ay natahimik na kami. Hindi niya na rin itinanong kung ano iyon, nagprisinta pa siyang ihatid na ako sa bahay dahil madilim na pero tinanggihan ko dahil gabi na rin at alam kong hinahanap na siya ni Rey. Ayaw pa sana niya kaso tinakot ko siya na hindi ko na siya kaibigan kapag hindi niya ako sinunod.

Pumayag naman siya kahit labag sa loob at naghabilin nang kung ano ano, daig pa si itay. Hindi pa nga nakuntento at niyakap pa ako tsaka hinalikan sa ulo, pinigilan kong kiligin dahil alam kong iyon na ang huling magiging ganoon kami dahil tuluyan ko na siyang iiwasan. Pagkaalis niya ay nagpunta na ako ng market at bumili ng mga kailangang bilhin na pagkain o mga rekados.

Habang bumibili ay hindi ko alam bakit naisipan kong gawin ang ginawa ni Song Eun Ji. Bumili nalang ako ng plain na puting tela at ulo ng mannequin. Ipang-papatong ko ang puting tela para kumapit ang make up. Experiment ng kung ano ano, gusto ko lang itry baka kasi naroon ang talento ko. Nalalabhan naman ang puting tela kaya okay lang gamit gamitin.

Tinawagan ko rin si itay kahapon at nakausap ko rin si inay, popoy at diday.
Nakakatuwang marinig na galing kay popoy mismo ang pagkwento niya tungkol sa isang buwang pag aaral niya ulit, okay naman daw siya at nakakasabay sa guro niya, sumasagot daw siya kapag nagtatanong ang guro at tinatapos niya kaagad ang mga takdang aralin niya sa bahay. Kumpleto daw ang gamit niya sa eskwelahan at sabay sila ni duday pumapasok.

Si duday naman ay natututo nang magbasa ng mabilis na filipino at ingles, nakakapagsulat din siya ng dikit dikit (cursive). Ipinangako pa ng dalawa kong kapatid na mag aaral sila ng mabuti para sa akin dahil miss na daw nila ako.

Si itay ay okay lang rin. Nagpapasada siya pero parang dagdag lang iyon sa pangangailangan namin. Habang si inay ay may improvement sa sakit niya, ugaliin lang daw mag prutas at gulay. Uminom ng herbal tulad ng serpentina ayon sa doktor niya. Patuloy lang na nagpapagamot si inay para makauwi na daw agad ako kasi hindi daw sila sanay na walang lalay sa bahay.

Hindi ko mapigilan maging emosyonal sa ideyang napapag-aral ko ang mga kapatid ko at gumagaling na si inay kahit papaano. Hindi rin sobrang naghihirap si itay sa pagtatrabaho, dahil lahat iyon sa pagsisilbi ko sa bang boys. Lalo na sa pagkupkop sa akin ni Rey. Sila ang hulog ng langit.

"Are you okay? You look stressed since I came here." Napabalik ako sa wisyo nang magsalita si Joon. Ang mata niya ay punong puno ng pag aalala napayuko naman ako at bumalik din ulit tsaka ngumiti at umiling.

Pagkauwi ko noong galing market tatlong araw nang nakakalipas ay nadatnan ko si Joon na nasa salas. Sabi niya sa akin ay hinayaan siya ni Rey mapag-isa dito sa bahay para tahimik at malayang makapag focus sa pag gawa ng kanta.

Humanga ako kay Joon dahil marunong siyang gumawa ng kanta, minsan naririnig ko siyang tumutugtog ng gitara o piano habang kumakanta. Mukhang dahil doon ay nakakapag gawa siya ng tono ng ginagawang kanta niya. Isang linggo lang daw palugit ni Rey sa kaniya kaya naman na-rush daw siya.

Kaya hindi rin kami madalas nakakapag usap ni Joon, ngayon lang. Dahil lagi ko nalang siya iniiwanan ng pagkain para kapag gusto niyang kumain o nagugutom siya ay makakakain na agad siya.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon