Forbearance.
Napailing ako sa tanong niya. Bakit ba ang taas ng tensyon kapag kausap ko siya?
"H-he initiated the kiss." Nagkanda-utal utal kong turan. Hindi ko kayang tignan siya ng ganito kaya yumuko lang ako.
"You could just push him away but you didn't. Do you like him, layla?" Baritonong saad niya. Hindi ko alam saan ako kukuha ng salita kung ganito kami kalapit sa isa't isa. Kaya naman napailing nalang ako bilang sagot dahil totoo naman talaga. Siya naman talaga ang gusto ko.
Hinawakan niya ang baba ko tsaka inangat ang mukha ko. Hindi ko parin siya matignan sa mata. Hindi rin maawat ang bilis ng tibok ng puso ko at mga kuryenteng dumadaloy sa katawan ko dahil sa pagkakahawak sa akin.
"I hate it when they're free to do whatever they want because you're so kind to them. I can't even blame you.. but damn. I am so mad. Very, very mad." Para akong hihimatayin sa seryosong boses niya habang hawak hawak ang labi ko gamit ang thumb finger niya. Napapikit nalang ako dahil hindi ko kaya ang anumang nararamdaman ko ngayon.
"I can't kiss you. You just kissed someone else and I hate it." Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang nanghihina ang tuhod ko sa paghaplos niya sa labi ko at sa mga sinasabi niya. Ganito kalakas ang epekto niya sa akin, para akong nawawalan ng lakas.
"Damn, this girl is giving me a hard time." Naramdaman kong pinupunasan niya ang labi ko.
"W-what are you doing?" Tanong ko pero seryoso lang siyang nakatitig sa labi ko habang pinupunasan iyon. Maya maya ay tumigil siya at umangat ng tingin sa akin. Napatigil din tuloy ako sa paghinga, napakaseryoso niya talaga.
"Your lips just committed a sin, I just cleansed it." Napanganga ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang iparating? Bigla nalang niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Napaiwas agad ako, hindi naman sa assumera. Pero naninigurado lang.
May girlfriend yung tao, hindi pwede.
"That lips is only mine. Mine only, understand?" Bumulong pala siya sa akin. Napailing ako sa sinabi niya.
"Min, please don't forget that you have a girlfriend and we're here in your country already. I know where to stand and you know this is not good and it will never be. Please, leave." Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para sabihin iyon kahit na grabe ang kabog ng puso ko.
Pero hindi naman tama na palagi siyang ganito. May girlfriend siya at ayokong maging hadlang, mahal niya iyong babae kaya niya nga girlfriend kaya sino ba ako para makialam? Gusto lang ako ni min, pero hindi niya ako mahal. Magkaiba iyon diba? Malinaw na malinaw iyon sa akin.
Nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko. Pero bakit? Hindi ba ako dapat ang masaktan dito? Dahil gusto niya ako pero hindi pwede? Dahil simpleng tao lang ako? Walang yaman, sikat o kahit ano. May girlfriend siya at ako umaasa lang. Kaya hindi dapat siya masaktan, wala siyang karapatan.
Hinawakan niya ang pisngi ko at agad akong umilag. Ni hindi ko rin siya matignan sa mata.
"Min, leave.now." Mariin kong tugon. Nangingilid na ang luha ko dahil kahit ilang beses pa ako umasa ay wala rin namang patutunguhan ito.
"I told you, I'll break up with her to be with you. Just wai---" pinutol ko na kung ano mang sasabihin niya at tumingin ako sa mga mata niya ng seryoso.
"Don't break up with her because of me. Break up with her beacuse you want to and you don't love her anymore. I don't want any trouble, even if we continue this, this is really wrong. You're untouchable like a very distant sky while I'm just on the ground staring up to you. Do you understand, min? We're not meant for each other! So, please just throw whatever feelings you have for me, now leave." Habol hininga akong tuloy tuloy na nagsasalita. Patuloy din ang pag agos ng luha ko dahil hindi ko na mapigilan ang sakit na katotohanan sa mga sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...