Epilogue

3.7K 74 8
                                    

Wow, you read it 'til the end! Thank you!

_____________________________________________

Third Person's P.O.V

Abala ang lahat sa paghahanda sa engrande at espesyal na okasyon sa isang bayan sa cavite. Ito ang pinaka-espesyal na araw para sa isang dating kasambahay na minsang nangarap ng mataas at kumayod, panganay sa magkakapatid na gagawin ang lahat para sa pamilya. Isang tuwirang ate, at sikat sa bayan ng Poblacion 1 sa Indang bilang isang mabuti at magalang na anak ng mag asawang Diodisio at Roselia Soledad.

Kilala sila sa bayan bilang isang simpleng-may kaya at matulungin na pamilya. Kahit pa noong bata pa ang kanilang panganay na anak, nagboboluntaryo na ang mag asawang Soledad sa simbahan at pagamutan. Kapag may sobra silang kita noon, imbis na ipambili nila ng kung anu-anong bagay ay mas pinipili nilang gawing donasyon sa simbahan at sa bahay ampunan ang nalilikom nilang salapi.

Kapag may nangangailangan ng tulong pinansyal at mayroon silang maibibigay ay ibibigay nila. Kapag dumarating daw ang fiesta o kaarawan ng kanilang panganay ay hindi sila nagpapa-party. Bagkus ay mangangatok sa bahay bahay ang mag asawa para mamahagi ng kanilang handa.

Nang magkasakit si Roselia ay doon na sila tuluyang naghirap, nagka-baon baon sila sa utang pambili ng mga gamot niya at sa bill sa hospital nang minsan itong makaramdam ng pananakit sa tiyan. Naibenta na rin nila ang kanilang ari-arian dahil nalugi ang negosyo nilang tinayo noon.

Walang ibang trabaho ang mag asawa dahil tutok sila sa kanilang negosyo, ngunit nang may paninirang naganap tungkol sa negosyo nila na sumira sa kanilang imahe kahit na walang bahid na katotohanan  ay kumalat ito sa buong barrio. May nagtitiwala parin sa kanila dahil minahal sila ng mga taong tinulungan nila, ngunit hindi iyon sapat para i-revive pa ang negosyo dahil sa kawalan rin ng pondo.

Kaya naman minsan ay nagbabahagi ng tulong ang mga magsasaka, mangingisda, tindera at kapitbahay nilang tulad ni lola Lidya sa mag asawang Soledad na ipinagpapasalamat nila sa diyos dahil kahit na walang wala sila ay nakakakain parin naman.

Si Diodisio ay naging tricycle driver pero hindi iyon sapat para matustusan ang kanilang pamilya lalo na't tatlo na ang kanilang anak. Nang magdalaga ang kanilang panganay na anak, wala itong ibang inisip kundi makatulong sa pamilya, alam niyang hikahos na sila sa buhay at hindi na siya kaya pang pag aralin sa kolehiyo. Lahat ng mga pwedeng pasukang trabaho ay tatanggapin niya, walang mahirap o mabigat na trabaho para sa kaniya. Lalo na't gusto niyang may maipambiling gamot sa kaniyang ina at makapag aral ulit ang huminto niyang kapatid.

Kahit na wala na ang dati nilang buhay may-kaya ay hindi ibig sabihin niyon sa kanilang panganay na kailangan na nilang sumuko sa buhay. Namasukan ito bilang DH sa South Korea kahit may pag aalinlangan, dahil roon ay hindi inaasahang magkakasahod ang kanilang dalaga ng ganoon ka-laking halaga dahil lang sa pangangatulong. Dahilan para maibili ng gamot at pag aralin muli ang kanilang pangalawang panganay, kung tutuusin ay sobra sobra pa sa kanilang pangangailangan.

Nagtitira ng ipon sa bangko ang panganay nilang anak upang magtayo ng negosyo. Lingid sa kaalaman niya na ang kaniyang mga magulang ay iniipon rin ang perang ipinapadala niya, hindi sila gumagastos lalo na't hindi kailangan at may nakalaang budget din sila para tumulong muli sa kapwa.

Kaya naman nang umuwi ng pilipinas ang kanilang panganay na anak at sinabing magtatayo siya ng sarili niyang negosyo ay ibinuhos ng mag asawa ang kanilang ipon sa kanilang panganay. Dahil naniniwala sila sa kakayahan nito. Hindi nga sila nabigo dahil lumaki ito nang lumaki hanggang sa nakabili ng sariling building ang kumpanya ni layla na Beau Cosmetica na siyang naging isa sa pinaka-sikat na brand sa cosmetics industry.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon