Your Maid 39

1.7K 51 0
                                    

Bringing back the old memories.

"Layla.." Napatingin ako sa kaniya. Kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan.

"H-Ha?" Napabuntong hininga siya kaya naman napayuko ako sa kahihiyan. "S-sorry." Sambit ko pa.

"Are you okay? Kanina pa kasi ako nagsasalita pero mukhang hindi mo naintindihan." Ramdam ko ang pagsulyap niya habang nagmamaneho.

Agad akong napaiwas ng tingin dahil nakokonsensya naman ako. Sa totoo lang ay hindi niya naman trabahong pumunta sa event kanina pero nag insist siya na samahan ako at pinostponed niya pa lahat ng lakad niya dahil sa akin. Ayaw ko man gawin niya iyon pero wala na akong nagawa kasi bago pa niya iyon ipaalam sa akin ay planado na agad. Alam niya kasing tatanggi ako.

"I'm really sorry. Pagod lang talaga." Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nasa manibela.

Sandaling sumulyap ulit siya sa akin habang nakangiti dahilan para lumabas ang dinples niyang paborito kong pagmasdan.

God, ang gwapo ng first crush ko.

More like, mas gumwapo.

"You can sleep if you want." Nag aalala talaga siya dahil sa tono ng pananalita niya. Agad akong umiling.

"Paano ka? Wala kang makakausap." Ani ko na ikinatawa niya.

"Do I look like talkative? Sayo lang kaya ako madaldal." Napaismid ako at tumingin nalang sa bintana na katabi ko.

Gabi na at puro ilaw nalang sa syudad ang nakikita ko. May mga tao parin sa labas. Kabataan at matatanda rin. Kung sabagay, alas otso palang naman ng gabi.

Totoo naman ang sinabi ni andrew. Hindi siya palakibo, ang cold niya sa mga empleyado namin sa totoo lang. Sa opisina ay boss na boss ang itsura niya tapos ang istrikto, napaka professional ba.

Pero kapag kami nalang dalawa, doon siya nagsasalita. Doon siya nagiging childish at makulit.

Well, matagal na rin kasi kami magkakilala kaya ganun.

Sa totoo lang nakakapagod naman talaga ang araw na ito. Marami akong inasikasong papeles sa kumpanya, nangangailangan kami ni andrew ng sponsor, iyong matinong sponsor. May mga sponsor kasi na ang papanget ng ugali at hindi makaintindi sa simpleng usapan, naiistress lang talaga kami ni andrew sa ganun. Mapili din talaga kami pagdating sa business.

Marami naman na willing maging sponsor ng Beau Cosmetica para sa gagawin naming event next month. Mas maganda kung clothing company dahil fashion show ang balak namin ni andrew, ipo-promote namin ang make-up at the same time ay rarampa ang mga model with the sponsor's brand, diba? Hindi lang naman kami ang magbe-benefit for this upcoming event.

Balak din kasi naming magkaroon ng panibagong branch sa iba pang lugar ng pilipinas at sa ibang bansa, since ang produkto namin ay pinipilahan ng mga tao. May branch na kami sa south korea, japan, china at U.S.A. Hopefully, mas dumami pa.

Sa totoo lang, hindi ko akalain na magiging ganito ka-successful ang ginawa ko. Pero alam kong hindi ko magagawa lahat ng ito kung wala ang tulong ni andrew. Siya ang kasa-kasama ko sa pagtayo nito, hindi man financially, pero siya kasi ang sumusuporta sa akin kahit na maraming failure pa ang naranasan ko sa loob ng limang taon mahigit. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kaniya.

Pumikit muna ako dahil sa pagod na naramdaman. Pagod ang katawang lupa ko, lalo na ang aking isip. Hindi kasi ako mapakali kanina nang makita ko siya sa event na iyon, hindi ko alam kung totoo ba na nakita ko siya o namamalik mata ako at nag o-over react dahil napaluha ako agad nang makita ko siya muli matapos ang limang taong mahigit na nakalipas.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon