Dance.
Araw na ng sabado.
Hindi ko akalain na bukas ng umaga ay uuwi na kami ni min papuntang korea. Parang kahapon lang kami umuwi dito.
Mamimiss ko nanaman si inay, itay, popoy at diday. Pero nakakamiss din ang bangboys at si rey.
Sa loob ng isang linggo na pamamalagi namin dito, masasabi kong kumportable ang pamilya ko kay min at ganoon din naman si min sa pamilya ko.
Madalas kasi maaga umalis si inay para sa paghahanda sa tinda niyang mga gulay sa pwesto niya sa palengke. Habang si itay naman ang naghahatid kay inay at pagtapos niyon ay namamasada na siya. Gustuhin ko man na tulungan si inay sa pag aayos ng mga ihahanda niyang sariwang gulay galing kila mika ay hindi ko magawa. Palagi kasing "anak, nandito ka para magbakasyon. Bantayan mo nalang mga kapatid mo." Ang sagot ni inay.
Kaya ang ending, nandito lang ako sa bahay nababagot sa paglilinis, eobrang linie na nga ng bahay namin dahil wala naman ako magawa. Sa totoo lang hindi ako ang talagang nagbabantay kila popoy kundi si min. Mahilig kasi silang tatlo sa labas at nag iigib ng tubig sa pozo para diligan ang mga halaman sa paligid ng aming bahay pati na rin ang mga pananim tuwing umaga.
Madalas naririnig ko ang tawanan at hagikhikan nilang tatlo, pinagmamasdan ko nga sila at naabutan ko pang nasa palayan sila ni itay. Mahilig kasi magtanim si itay bukod sa pamamasada ay may tanim kaming palay para maibenta at karagdagang ipon para sa panggastos sa bahay.
Nakita ko sila min at ang mga kapatid ko na naghahabulan sa palayan, sasawayin ko sana kaso nakita ko ang biglaang pagdapa ni min at naputikan ang mukha niya. Kasunod niyon ay si popoy na may dalang palaka at papunta kay min. Di naman magkandaugaga si min sa pagtayo at pagtakbo kahit na nadapa ay walang kaarte arte. Nagsisisigaw pa siya at humihingi ng tulong habang hinahabol ni popoy na may hawak na palaka habang si diday naman ay bumubungisngis habang nakanood sa dalawa niyang tinuturing na kuya.
Sa huli ay sinuway ko si popoy kaya nakahinga ng maluwag si min. Bilang ganti ni min ay lumevel siya sa dalawa kong kapatid at biglaang pinahiran ng putik sa mukha ang dalawa. Nagtawanan sila sa itsura nila dahil ang dudugyot nila na pati ako ay natawa nalang rin.
Habang inaalala ko iyon ay napapailing at napapangiti ako dahil mukha namang masaya ang bakasyon ni min dito sa amin at tuwang tuwa ang mga kapatid ko sa kaniya.
"Ate, hugas ako." paalam ni diday. Binuhat ko naman siya at tinulungan maghugas ng kamay. Katatapos lang kasi namin kumain at kasalukuyan akong naghuhugas ng pinagkainan.
Nang matapos ako maghugas ay pumunta muna ako ng bakuran upang magpahinga. Si min ay naliligo sa aming palikuran na nandito din sa bakuran, hiwalay kasi ang aming palikuran sa bahay.
Makaraan ang isang minuto ay pumunta ako malapit sa palikuran kung saan naroon ang mga sinampay ko kahapon. Naglaba kasi ako ng mga damit dahil nga aalis na kami ni min, syempre isinama ko rin ang damit niya sa paglalaba ko.
Kinuha ko ang mga sampay na damit. Mga tuyo na rin naman. Saktong lumabas si min sa palikuran at nakaharap ako sa pintuan. Lumabas siya nang naka topless kaya napatalikod agad ako sa sinampay kong bedsheet.
Hindi naman niya ako nakita dahil tumalikod agad siya upang isara ang pinto habang sinusuot niya ang t-shirt tsaka diretsong pumasok ng bahay.
Nag init ang pisngi ko dahil nakita ko ang katawan ni min, hindi ko sinasadya sorry po lord pero ang hot. Ay, ano ba 'tong sinasabi ko!
Napasampal nalang ako sa sarili para magising.
*****
"Doon tayo lalay!" Masayang wika ni andoy habang hinihila ako sa maraming tao. Gabi na pero napapalibutan kami ng mga ilaw sa gusali at mga ilaw na nakasabit. Iba't-ibang kulay ito at talagang masarap pagmasdan.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...