Dreams.
Kasalukuyan akong nagluluto ng adobong manok, katatapos ko lang kasi magsaing ng kanin. Ipapatikim ko sa kanila ang espesyal kong adobo, natutunan ko ito kay inay dahil ang adobo niya ay masasabi kong iba ito sa lahat. Itim na itim kasi ang itsura nito pero hindi siya maalat, matamis o maasim, hindi rin malansa kahit di ko na lagyan ng dahon ng laurel, di kasi kami mahilig doon dahil pag nilagay mo iyon ay iyon din ang lasa.
Katamtaman lang ito at malalasahan mo ang lahat ng iyon sa isang tikim. Nilagyan ko rin ng maraming sili dahil nabanggit sa akin ni rey na mahilig ang korean sa sili.
Medyo nahihilo ako sa pagod dahil sa kakagupit ng damo at sa pagkakauntog kanina sa dibdib ni Joon, kanina kasi akmang tatakbo na ako kasi hahabulin ako ni Jin at Hob ay bigla akong nauntog kay Joon kaya nag alala tuloy sila.
Sinabi ko nalang na okay lang kahit nahilo ako sa lakas ng pagkakatama ko doon, ang tigas ng dibdib niya parang di manlang nasaktan. Sunod pa ay nahihiya parin ako sa ka-ignorante-han ko kanina dahil doon sa makinang iyon sa bakuran.
Sa susunod nga ay itatanong ko kay rey ang mga gamit doon para di naman ako mukhang tanga nagsayang ng pagod magdamag.
Sinigurado ko nang malambot ang karne tsaka ito hinanda sa kanila. Nasa lamesa na sila nakaupo at nagkwentuhan, gutom na rin sila eh hinihintay lang nila ako matapos. Nilagay ko sa gitna ang kanin at adobo, nagningning ang mata nila ng makita iyon.
"That is adobo, the main dish in my country. It is special version because my mother taught me to give it some twist. Hope you like it." Masayang paliwanag ko tsaka naman sinabi ito ni Joon sa mga ka-miyembro niya.
"mas-iss-eo boinda!" It looks delicious! Narinig kong sabi ni yoong at pumapalakpak pa. Nakakatuwa lang dahil hindi pa nga niya natitikman ay mukhang gusto niya na ito.
"Thank you, Layla! Actually I was hoping to taste adobo because we have many filipino fans who always says that we should taste it. We don't need to fly in philippines for adobo because you already cook it for us so thank you!" Masayang tugon ni Joon kaya napangiti nalang ako.
Nakita ko si Jeon na nag hanap ng serving spoon tsaka hinigop ang sabaw ng adobong niluto ko. Napatawa ako sa reaksyon niya dahil nagtatatalon siya, ewan ko ang weird niya rin minsan.
"Neo wae ttwieo naeni, Jeon?" Why are you jumping, Jeon? Kita sa mata ni Tae ang pagtataka sa inakto ni Jeon. Nakita ko naman na humigop rin si Yoong na kanina pang takam na takam. Nanlaki ang mata niya tsaka tumayo at humarap sa akin. Akala ko kung ano gagawin niya pero niyakap niya ako na kinagulat ko.
"gwihaui adobo aju mas-iss-eo!" Your adobo is very delicious! Nagtatakang napatingin naman ako kay Rey na tumatawa.
"Sobrang sarap daw ng adobo mo sabi niya." Napangiti naman ako kay Yoong na nakatingin parin sa akin at nakatayo sa harap ko habang nagniningning ang mga mata.
"Gamsahamnida, Yoong!" Thank you, Yoong! Sabi ko naman tsaka siya tumango tango.
Nagsimula na sila kumain, biglang napatigil ang lahat nang biglang nagsalita si Rey. "Ay, putangina!" Nag alala naman ako at dali daling lumapit kay rey.
"Hala bakit? Maanghang ba? Mainit? Napaso ka ba Rey? Bakit? Panget ba lasa? Maalat? Maasim? Matamis? Ano?" Natataranta kong tanong sa kanya.
"maenijeoneun mwolago malhaessseubnikka?" What did manager say? Narinig kong salita ni Jin kay Joon, napakibit balikat nalang si Joon dahil di niya rin iyon naintindihan at di na dapat nila intindihin dahil masama iyon.
Napatitig sa akin sandali si Rey tsaka tumawa. Napakunot naman ang aking noo.
"Ang cute mo layla! Napamura lang ako kasi ang sarap! Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klaseng adobo. Tagal tagal ko na nag babakasyon sa pinas pero mga lutong bahay eh ang papanget ng lasa. Sayo lang naman pala ako makakatikim ng talagang authentic na adobo." Paliwanag ni Rey, natawa nalang rin ako at hinampas siya sa balikat. "
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...