Unwillingly rejected.
"Para ka nang taga dito layla, ang sarap!" Masayang wika ni rey sa akin habang kumakain sila sa hapag.
Binigyan ko lang siya ng hilaw na ngiti at agad tumalikod at nagtungo sa lababo para hugasan ang mga gamit na ginamit ko sa pagluluto. Pupunasan ko nalang itong mga pinggan pagkatapos ko hugasan.
Kasalukuyang nagsasalo salo sila sa hapag, pinag aralan ko talaga ng mabuti ang mga korean dish kasi hindi na talaga ako nakatulog kagabi matapos ang insidenteng iyon.
"M-min hyung... L-layla." Unti unting nanlaki ang aking mga mata nang may nagsalita sa may likuran namin sa bandang glass door.
"J-jeon." Tangi kong nasabi. Nakita ko ang singkit niyang mata na gulat na gulat siya at nasasaktan.
"J-jeon, wait." Sambit ko pa nang bigla siyang tumakbo palayo.
Tatayo na sana ako pero hinawakan ni min ang braso ko. Napakunot naman ang aking noo sa kaniya.
"Stay. He knows now baby, we can't do anything about it." Aniya sa kalmadong boses.
Paano niya kinakayang maging kalmado sa ganitong sitwasyon? Nahuli na nga kami!
Hindi ko siya pinakinggan bagkus, kumawala ako sa hawak niya saka ako tumayo at umakyat papunta sa kwarto ni jeon.
"Jeon? Jeon, please open the door." Ilang beses ako kumakatok pero parang wala siyang naririnig.
"See? Baby, you're just tiring yourself." Sambit ni min habang nakasandal sa pader at nakapamulsa. Inirapan ko lang siya at patuloy lang ako sa pag-katok.
Pero hindi talaga ako pinagbuksan ni jeon at hindi rin siya sumasagot. Napahingang malalim nalang ako at napahilamos sa mukha ko.
"I'll take you to your room, let's go." Aniya sabay hawak sa pulso ko.
Tinignan ko lang siya ng masama at nagpumiglas. Nauna na akong maglakad papasok ng kwarto ko at pinagsarahan si min ng pinto.
Kainis! Oo, kasalanan namin 'to! Pero bakit parang ako lang 'yung naaapektuhan?
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si jeon, kanina kasi tahimik lang siya at sumusulyap ng tingin sa akin tapos kapag lilingon ako sa kaniya, umiiwas siya ng tingin.
Si min naman nakatitig sa akin palagi. Hanggang ngayon na nakatalikod ako sa kanila sa di kalayuan, ramdam ko 'yung tagos ng titig niya. Pareho ko silang hindi matignan ng matagal at pasulyap sulyap lang.
Ano ba pwede ko gawin para i-explain kay jeon ang lahat? Na wala naman kaming relasyon ni min. Wala naman talaga dahil hanggang ngayon may girlfriend parin siya at ako? Ewan.... panakip butas lang.
Nagsimula na silang magsi-alisan sa kusina kaya nakahinga na ako ng maluwag. Kinuha ko ang mga pinggang ginamit nila saka ulit naghugas.
Kailangan ko talagang makausap si jeon, hindi dahil sa nahuli niya kami. Gusto ko lang talaga magpaliwanag tungkol sa amin ni min, gusto ko lang din na hindi siya masaktan. Oo, bata siya at hindi ko siya gusto. Hindi ko rin naman alam kung gusto niya ba ako ng totoo, pero kahit ganoon ay kailangan parin naming mag usap at sabihin ang sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...