A simple life with you.
"Ma'am, sa may fire exit nalang po kayo dumaan." Nag aalalang sabi ni jen pagkarating niya galing fire exit.
Napahingang malalim ako habang nakaupo sa monoblock na binigay ni Jen sa'kin kanina.
Tumingin ako sa kaniya. "May mga tao din ba sa fire exit?" Kinakabahang tanong ko.
Dahan dahan siyang tumango bilang sagot.
"Ma'am gusto niyo po ba ihatid nalang namin kayo papunta sa sasakyan?" Suggest ni Mark, isa sa mga empleyado ko.
Agad akong umiling. "Huwag na mark, kaya ko naman ito." Sagot ko saka ngumiti sa kaniya.
Ayoko naman na may madamay pa sa kahit na sinong tao ko. Ayokong may mangyaring magkasakitan, ayokong may masaktan sa kanila.
Nag vibrate ang hawak kong cellphone. Napatingin ako doon, tumatawag nanaman siya. I took a deep breath before answering.
"Hello?" Ani ko pagkasagot.
"I heard you sighing, is there any problem?" Ramdam ko ang pag aalala sa tono ng boses niya.
"O-Oo naman. Ano ka ba, hindi ba pwedeng bumuntong hininga?" I tried to lit up, para hindi niya mahalata.
Ayoko namang mag alala pa siya lalo kapag nalaman niya. Nasa trabaho siya pero tawag siya nang tawag oras oras, he is being very clingy pero ayos lang naman iyon sa akin.
Kaso lagi niya akong tinatanong kung okay lang ba ako o hindi. Palagi namang oo ang sagot ko. Pero maya't-maya rin ang tanong niya kung sigurado ba akong okay ako. Para bang naghihinala na siya pero pinipilit kong kumbinsihin na okay lang ang lahat.
Pinili kong ilihim ang nangyayari ngayon sa kaniya. Kilala ko siya, kapag nalaman niya ito ay hindi iyon magdadalawang isip na sunduin ako.
Ayun ang ayoko mangyari. Mas lalo lang magiging magulo kapag nakita siya dito.
"Then why you sound tensed?" Napakagat labi ako. Shit shit nakakahalata siya.
Layla, think something... You need to make an alibi..
"A-Ah k-kasi.."
"Kasi what?" He demands.
Napapikit ako. Hindi ko man gustong magsinungaling sa kaniya, kaso kasi wala na ako iba pang paraang maisip bukod dito. Para iwas gulo.
"M-Masakit kasi tiyan ko."
Biglang tumahimik ang kabilang linya. Tinignan ko ang phone screen dahil akala ko ay ibinaba niya na, pero hindi parin pala napuputol ang linya.
Narinig ko ang pagkalansing ng susi bago siya sumagot.
"Why? What happened? Susunduin kita, I'll take you to the hospital. Where are you?" Sunod sunod niya na pagsasalita. His voice sounded so worried.
Sinasabi ko na eh, ganitong sitwasyon palang ay iiwan niya ang trabaho niya sa kumpanya para sunduin ako. Kaya hindi ko rin sinasabi sa kaniya kung saan ako pupunta, alam kong aalamin niya kung anong ginagawa ko.
Oh gosh, it worsen!
"H-Hindi, call of nature lang." pagdadahilan ko.
I heard him sighed in relief. "Okay. Kapag masakit parin mamaya, let me know. Pupunta agad ako diyan." Sabi niya.
Napakagat naman ako ng aking labi, nagpipigil ako ng ngiti. Alam kong hindi ako dapat ngumiti sa ganitong sitwasyon, kaso si min kasi eh!
Alam mo 'yun, sobra siyang mapag alala kahit sa maliit na bagay. I'm not a teen anymore pero hindi ko maiwasang hindi kiligin sa pagiging caring niya.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...