Steven Park.
Nadatnan naming nakabukas na ang van at nasa labas na rin ang lahat habang inaayos nila anton ang bagahe "Okay na ba robert?" Rinig kong tanong ni rey. Tumango tango naman si robert bilang tugon tsaka sumakay si anton sa puwesto ng driver at si robert naman ang katabing upuan ng driver.
Lumingon sa akin si rey na katabi ko lang. "Layla, ikaw na bahala sa lahat ha? Mayroon akong iniwang pera sa couch pang budget mo sa pagkain at bahala ka na mamalengke kapag wala nang pagkain sa ref." Sunod sunod na habilin ni Rey.
Tumango ako. "Mag iingat kayo." Ngumiti si rey at kumaway saka nauna nang sumakay ng van.
Lumapit naman sakin si Yoong, Tae, Hob at Jin saka isa isa akong niyakap habang nagpapaalam. Ang cute talaga ng mga ito, ngayon lang talaga ako naka-encounter na katulong, niyayakap yakap ng amo. Napaka sweet ng mga tao dito kaya ang sarap sa pakiramdam na parang hindi ka iba.
Sumunod naman silang pumasok ng van habang kumakaway. Kumaway nalang din ako bilang tugon. Lumapit naman si joon sa akin habang nakangiti. "Take care of yourself, layla. We will be back soon!"
Napangiti rin ako at tumango. "Of course, I can handle myself don't worry and I have many stories to tell you next time." Natawa siya sa sinabi ko saka niya ako niyakap at tinapik tapik sa likod bago sumakay ng van.
"Layla..." Napatingin ako sa likod kung saan nanggagaling ang boses. Paglingon ko ay nakita ko naman si jeon naglalakad papalapit sa akin. Agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap. Niyakap ko rin siya at tinapik tapik ang likod.
"I'll miss you" bulong niya sa akin. Napaka-sweet talaga ng batang ito kaya naaalala ko sa kaniya si popoy, kahit na mas matangkad siya sa akin ay di parin mapagkakaila na para ko na rin siyang nakababatang kapatid.
"Take care, jeon. Ate layla will miss you too." Sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya kahit hindi niya alam ano yung 'ate' maya maya pa ay kumalas na kami sa pagkakayakap nang marinig si Rey.
"jeon, min! cha-e tala." Get in the car! Sigaw ni rey. Tumango naman si jeon habang si min ay nasa loob ng bahay, mukhang may nalimutang kunin.
"Get inside." Sambit ko. Tumango naman siya bago tumalikod saka sumakay sa van.
Napatingin ako kay rey nang tawagin niya ako havang prente siyang nakaupo sa back seat. "Puntahan mo nga si min sa loob, sabihin mo mala-late na kami siya nalang hinihintay!" Sigaw ni rey sa akin kaya tumungo na ako sa loob ng bahay. Tinawag ko si min at mukhang galing siya sa kwarto niya dahil bumaba siya ng hagdanan.
"He's calling you. You should go now before you getting late." Pambungad ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang tugon.
Lumkad na kami papalabas pero bago pa man mahawakan ang pintuan ay hinawakan niya ang braso ko dahilan para matigilan ako.
Nagtatakang napatingin ako sa kaniya. "Why?" Takang tanong ko habang nakatingin diretso sa kaniyang mata. Binitawan niya naman ako habang titig na titig din ssa mata ko.
"Take care of yourself. We'll be back." Aniy. Marahan naman akong tumango bilang tugon. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil pinaaalalahanan niya ako.
"By the way, I like.... your hair. Don't tie your hair next time." Dagdag niya pa. Napakurap ako ng dalawang beses. Akala ko ay gusto niya ako, buhok ko pala. Pero kahit na, nacompliment ng isang kpop superstar ang buhok ko!
Tumango ako bago kami lumabas ng bahay. Nadatnan ko si jeon na nakasandal sa van, dumiretso na si min sa van at sumakay habang si jeon naman ay papalapit muli sa akin.
"Why?" Tanong ko nang huminto siya sa harap ko habang nakakunot ang noo. "I... forgot... something." Saad niya habang nakangiti.
Napakunot ang aking noo. "I'll help you, tell me what it is and where do I find it?" Imbis na sagutin ako ay nanatili siyang nakangiti at biglang naging ngisi na mas lalong nagpakunot ng aking noo.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...