Cheos Kiseu.
"Hindi ko magawa ng maayos. Ano ba gagawin ko?" Pabulong kong saad sa sarili ko tsaka napabuntong hininga nalang.
Kasalukuyan kasi akong nagme-make up sa mannequin, wala kasi ako magawa eh. Tsaka ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon, kaso pang ilang araw ko na ito ginagawa pero lumilipad lang ang isip ko.
Lagi ko kasi naiisip ang tinext sakin ni Min. Hindi ko alam kung ano iyon, kung ganoon ba ako ka-special na kaibigan para sa kaniya at ayaw na ayaw niyang iniiwasan ko siya? o baka pareho kami ng nararamdaman?
Sige layla asa pa.
Biro lang, hindi naman niya ako magugustuhan eh napaka-imposible diba?
Tatlong araw na ang nakalipas nang mabasa ko iyon, wala akong sapat na tulog kakaisip doon. Pero kahit ganoon ay pinilit ko parin na i-flight mode, hindi ko na iyon binuksan hanggang ngayon.
Makasarili na kung makasarili, gusto ko kasi ay kaibigan nalang rin ang turing ko sa kaniya, gusto ko kapag kaibigan niya ako ay kaya ko nang matignan siya ng walang nararamdaman, na hindi ako umaasa na sana baka magkapareho lang kami ng nararamdaman.
Sa totoo lang miss na miss ko na siya makausap. Kating kati na talaga ako kausapin siya pero laging sumasagi sa isip ko na hindi pwede dahil may nararamdaman ako para sa kaniya at ayaw kong laliman pa iyon, dahil ngayon palang alam kong wala namang patutunguhan itong nararamdaman ko, ayoko lang masaktan.
Tinanggal ko na ang tela sa mannequin at inayos ang mga gamit. Hindi ko muna pipilitin ang sarili ko dahil lutang na lutang ako kaiisip kay Min. Ayoko rin pilitin ang sarili ko dahil nasasayang din ang make-up na ito.
Nagluto na ako ng tanghalian, mukhang busy pa si Joon kaya hinanda ko nalang ang kakainin niya. Naglinis nalang ako ng rooftop at inayos iyon. Pagkatapos ay nag vacuum ako sa buong bahay pati sa kwarto ng mga wala dito, baka kasi maalikabok na. Ayoko rin ng walang ginagawa nakakaboring lang.
Pagkatapos niyon ay nagpahinga lang ako saglit at kumain, mukhang kumain na si Joon at ubos na ang hinanda ko. Pagkatapos kumain at iligpit ang mga gamit ay nagpababa lang ako ng kinain sa bakuran. Pagkababa ng kinain ay gumamit na ako ng makina para tabasin ang damo dahil humahaba nanaman ang mga ito, winalis ko na rin pagkatapos tsaka ako nagwalis sa harap ng bahay.
Alas dos ng hapon ako natapos. Sobrang pagod ay napagdesisyunan ko nang matulog muna, wala rin kasi ako sapat na tulog kakaisip kay Min. Mukha namang umayon sa akin ang mata ko kaya nakatulog rin ako tsaka nagising ng alas singko.
Naligo na ako at nagbihis, saktong alas-sais ay nagprepare na ako nang hapunan. Tinawag ko na rin si Joon tsaka sabay ulit kami kumain.
"Thanks for the food layla, you are good in korean dishes." Ngumiti ako kay Joon tsaka tumango sa puri niya. Ngumiti rin siya sa akin bilang ganti.
Tumayo na ako at kinuha ang mga nagamit na kubyertos, plato at baso tsaka dumiretso sa lababo.
"Welcome Joon. I'm happy that I meet your kind of taste in food hehe." Aniya ko tsaka nagsimulang maghugas ng pinggan.
"By the way layla, don't forget tomorrow okay? We will out at 10am. Let's just grab a taxi." Pagpapaalala sa akin ni Joon sa kasal ng pinsan niya habang patuloy akong naghuhugas ng pinggan.
"Copy, Joon." Tumango tango pa ako kahit na likod ko lang ang nakikita niya para masigurado niyang nakuha ko ang paalala niya.
"Okay, good night layla." Narinig ko si Joon na umaakyat na ng hagdanan.
"Good night Joon!" Sagot ko na pasigaw para marinig niya.
Pagkatapos ko doon ay napagdesisyunan ko na lumabas. Gusto ko maglakad lakad, nag youtube ako noong nakaraan para makabalik sa bahay, in-on ko nalang ang gps. Mahirap na gawin ko ulit ang dati, buti nalang nakita ako ni Min doon kundi ligaw ligaw ako.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...