No one can stop.
Kinakabahan akong pasulyap sulyap kay andrew. Hindi ko mabasa kung ano ang naiisip niya ngayon, pero kanina pa siya tahimik simula nang makita niya si min.
Halatang galit siya dahil sa pagtago ko ng sikretong ito. Seryoso lang siya na nakatingin sa daan habang nagmamaneho para ihatid ako pauwi ng bahay.
Alam niya kasi kung gaano ako ka-wasted pag uwi ko ng pilipinas galing south korea. Alam niya na mahal na mahal ko si min hanggang ngayon, alam niya rin kung gaano ako nasaktan--dahil siya ang naroon para sa'kin sa mga araw na kailangan ko ng makakaintindi sa akin.
Naalala ko pa noon na galit na galit siya kay min dahil ginago niya ako at pinagmukhang tanga. Sinumpa pa ni andrew noon na hinding hindi niya ako hahayaang makakita ng mga bagay na nakakapag paalala sa akin kay min.
Ngunit hindi ko rin maiwasang hindi isipin noon. Dahil bawat segundo, bawat galaw at kahit saan pa ako magpunta ay si min lamang ang naiisip ko. Ganoon ako ka-tanga magmahal sa taong hindi ako binigyan ng halaga.
Kaya naman naiintindihan ko kung galit sa akin ngayon si andrew. Naiintindihan ko na masama ang loob niya sa akin sa pagsisikreto ko nito.
"Kailan pa?" Napalingon ako sa kaniya nang magsalita siya. Mahinahong lang ito dahilan upang mas lalo akong kabahan.
Hindi niya rin ako tinapunan ng tingin at nakatuon lamang siya sa kalsada. Bahagya akong napayuko.
"Noong nakaraang araw."
"Where?"
"S-sa meeting. Siya 'yung C.E.O ng MiLee." Nakita ko ang gulat sa mga mata niya ngunit agad rin napalitan ng seryosong ekspresyon.
"And you didn't have a plan to tell me? Layla, ano ba ako sayo? I know I lied when I said that you're my girlfriend, pero naisip mo manlang ba ako? Kung ano ang nararamdaman ko?" Napakagat labi ako at umiwas ng tingin nang sumulyap siya sa akin.
He's mad. I knew that once he found out about min, he will be mad. I shook my head.
"A-Andrew, I considered your feelings always. Alam mo iyan kung paano ko layuan ang kung sino pero-- " he cut me off.
"Pero ano? You could've just rejected it!" Napapikit ako nang biglang tumaas ang kaniyang boses.
Wala akong ibang nagawa kundi ang yumuko nalang. Nagu-guilty ako sa pagtatago ko sa kaniya. Dahil alam kong dapat ay sinabi ko nalang bago niya pa malaman.
"Naalala mo ba lahat ng panlolokong ginawa niya at pagbabalewala niya sayo?" nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela.
In that words, it pull the trigger..
"Hindi ako nakakalimot, andrew." Seryosong saad ko.
"Then why? What's the reason why you still accepted it?" He looks frustrated and I hate it to made it to him.
Tumingin ako sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo nito, tuluyan na akong napahikbi dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Gusto ko, andrew. Pero paano?! There's a bullshit contract!" Mariing saad ko saka pinalis ko ang mga luha pero hindi sila matigil sa pagtulo. I, too, is very frustrated.
"Gustong gusto ko umalis! Alam mo ba iyon? Dahil sa sandaling makita ko siya, kahit ilang taon pa ang lumipas ay bumabalik parin sa akin lahat ng sakit! Sa panggagago niya at pagmukhain akong tanga!"
Nanginginig ang aking mga labi, I can't hide my bitterness, I didn't expect after a long run.. para akong bumabalik sa dati.
Narinig ko ang pagsinghap niya nang patuloy ako sa paghikbi dahil sa sakit ng nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...