Stolen kisses.
"How's vacation?" Tanong ni joon pagkapasok namin ni min ng bahay.
Ano ba dapat ko sabihin? Okay lang? Naloka ako kay min? Wala na siya sa katinuan?
"I like it." Si min ang sumagot sa tanong ni joon kaya napatingin ako sa kaniya.
Nakatingin siya sa akin na para bang para sa akin yung 'I like it' kaya naman umiwas ako agad ng tingin. Hindi parin kasi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya kagabi, naghihintay ako ng pahabol na joke pero wala. May lahing pagkamalandi pala 'to 'no?
Kaso kinilig ako eh. Ang rupokpok ko leche.
Umakyat nalang ako at tinext si rey na nakatating na kami dito. Nagreply naman agad siya na bukas na ako magtrabaho dahil pagod ako at may kinuha silang tagalinis kanina kaya malinis naman ang bahay.
Kahit masakit ang ulo ko, hindi ako makatulog kahit na kanina pa ako nakahiga dito. Hindi parin maalis sa isipan ko si min, arrghh!
"You have girlfriend min. Stop playing with me." Napakunot ang noo ko, ngumisi si min sa akin.
"I'm not into games, layla. I'll break up with her when we get back. I don't love her."
"And after I break up with her.."
Unti unti siyang lumapit sa akin at nilapit niya ang labi niya sa tenga ko.
"I want you... to be with me."
Napatigil hininga ako at di ako makagalaw. Lalo na nang humarap sa akin si min na nakangiti. Isang ngiting may sinseridad tsaka siya naunang maglakad.
Hindi ko namalayan na hawak niya pala ang kamay ko kaya nagpatianod nalang ako sa kaniya. Umuwi kami nang hindi alam nina mika at andoy. Nagtext nalang ako kay andoy na masama ang pakiramdam ko.
Hindi na ako pinansin ni min m sa eroplano. Ayoko sana tumabi sa kaniya at nagdahilan pa ako na mag cr muna kaso marami may gustong makatabi siya noong paglabas ko ng cr pero tinatanggihan niya at sinasabing may katabi siya. Nakonsensya nalang tuloy ako at umupo sa tabi niya.
Ang awkward ng byahe hanggang makatulog ako. Paggising ko ay nasa harap ko ang mukha ni min na tinititigan ako ng maigi, napalayo agad ako sa kaniya kaso hawak niya pala ang kamay ko. Tinatanggal ko pero ayaw niya, napagod rin ako kaya hinayaan ko na. Pati pagbaba ng eroplano ay nakahawak parin ang kamay niya sa akin. Nagpumiglas ako dahil sikat siya lalo na dito at may makakilala sa kaniya. Buti naman at binitawan niya rin nang ilang beses kong pagpupumilit.
Sa totoo lang hindi ko alam paano ko siya haharapin. Hindi niya rin naman ako kinakausap. Mabuti uyon kasi hindi ko rin alam ano ba talaga kami sa pamamahay na ito.
*****
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa pag iisip, 4pm na kaya napagdesisyunan ko muna na magluto. Wala si min at joon ngayon, mukhang tinawag ni rey sa studio kasi naghahanda daw sila sa bago nilang album tsaka practice ng mga sayaw. Pero sabi ni rey ay uuwi silang lahat mamaya.
Pagkatapos ko magluto ay nagtext ako kay rey na bibili lang ako ng mga kailangan ko. Balak ko rin bumili ng iba pang make up, nakikita ko namang improving ako sa pagma-make up kaya nagmake up ako ng sarili ko tsaka nagpusod ng buhok.
Dumating ako sa market ng 4:45 para bumili ng mga kailangan ko. Pagkatapos ay tumambay muna ako sa coffee shop, naalala ko lang dito ako dinala ni steven noong tinulungan niya ako sa bangko. Nagte-text siya bago ako umalis ng korea para umuwi sa pilipinas kasama si min pero hindi ko nare-reply-an. Minsan nakakalimutan ko, puro aya pa naman yun mag coffee. Pero ngayon wala siyang text baka busy na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...