Fault.
Magkatapat kami nakaupo ni Jeon habang kumakain ng red bean ice cream, tama nga siya ng pinili dahil ngayon lang ako nakatikim ng ganito at sa totoo lang mas nagustuhan ko siya kaysa sa tsokolate.
Natawa nalang ako nang ma-gets ko kung bakit ginawa ni Jeon na manatiling hawak ang kamay ko, libre naman pala kasi isang ice cream kapag magkasintahan!
Edi parang di niya yun libre sakin kasi libre yung akin diba?
Naalala kong napakunot pa nga noo ng babaeng cashier na parang di naniniwala sakin pero tinaas ni Jeon ang kamay naming magkahawak kamay habang nakataas din ang kilay niya sa babae. Ang tataray pala ng koreano mapababa o lalake.
Natawa nalang ako nang maalala iyon lalo na nang hanggang sa nakumbinsi nalang siya ni Jeon kaya niyakap niya ako, napanatag ata loob ng babae nang makita iyon kala niya tuloy totoong magkasintahan kami.
Bigla naman binigay sakin ni Jeon ang selpon niya at binasa ko iyon. 'Bakit ka natatawa sa mukha ko? May dumi? Saan?' Mas lalo ako natawa sa inakto ni Jeon habang hinihilamos niya ang buong mukha niya sa tissue habang nakakunot ang noo.
Bata talaga siya, isip bata rin. Hindi ko naman kasi namalayan nakatingin pala ako sa kawalan habang inaalala kanina sa may cashier at nasaktuhang nakatitig ako sa mukha niya sa sobrang lalim ng iniisip ko at pangiti ngiti ako.
Nakakahiya! Mukha pala akong tanga noon! Napasampal nalang ako sa noo ko.
Umiling ako kay Jeon tsaka nag pindot sa selpon niya 'Hindi, naalala ko lang kalokohan mo sa counter. Ang sarap nitong ice cream! Salamat.' tsaka inabot sa kaniya iyon.
Natawa din siya sa nabasa niya habang tumatango maya maya pa ay binigay niya ulit ang selpon niya at nabasa ko ang nakasulat.
'Walang anuman. Ayos ba? ikaw ang may dumi sa mukha'. Tsaka naman ako kumuha ng tissue at tinuro niya naman kung saan banda.
Pinunasan ko iyon at umiling iling naman siya, pinunasan ko ang kabilang pisngi ko umiling parin siya.
Nagulat ako nang tumayo siya at pinunasan ng tissue ang dumi sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko sa lapit ng mukha niya sa mukha ko, diyos ko!
"G-gamsa.." nalang ang nasabi ko. Nauutal ako! Parang lumulundag ang puso ko sa lapit niya at nararamdaman ko ang hanging binubuga niya. Ang bango!
Bakit sobrang gwapo ng batang ito? Wala manlang kabutas butas o tigyawat sa mukha wala rin white o black heads.
Ang haba pa ng pilik mata at ang tangos ng ilong. Ang pula rin ng labi natural bukod pa doon ang kilay niyang may kakapalan na mas nagpagwapi sa kaniya kaya di ako magtataka madaming baliw dito. Napaka-gwapo!
Bigla ako napaiwas ng tingin nang ngumiti siya, napansin niya bang napatitig ako sa kaniya? Nakakahiya! Ano ba pinag gagagawa ko? Nakakahiya talaga!
Bigla naman siya umayos sa pag upo at inabot ang selpon niya. Binasa ko naman iyon at di ko maintindihan kung bakit parang ang abnormal ng puso ko ng mga nakaraang araw dahil para akong tumatakbo ng mabilis dahil sa tibok na mabilis rin kahit wala naman ako ginagawa. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso, kinakabahan ako pag nagtama ang mata namin.
Ewan ko hindi ko na maintindihan ang sarili ko!
Matapos mag ice cream ay dinala niya ako sa dagat, ang ganda ng dagat dito malinis at pino ang buhangin. Kinaibahan lang di mo nanaisin maligo dahil ang lamig ng klima dito, siguro dahil panahon ng tahlamig wala rin naliligo.
Ang lamig kasi ng hangin na humahampas sa mukha ko paano pa kaya kung hindi ako naka-jacket? Kanina pa nakatanggal ang mask namin simula nung kumain kami ice cream, nakasumbrero naman siya at ako nakabonnet kaya okay lang din dahil hindi nila nakilala si Jeon habang ako di naman halatang babae kung hindi lang sa height?
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...